Sunday, November 3, 2013

MAGNANAKAW

SINO nga ba ang magnanakaw?


Binigyang-diin ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan nang kanyang ipagtanggol ang legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa kanyang Address to the Nation noong Miyerkules. Tahasan din niyang sinabi na ang tunay na isyu ay ang maling paggamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga senador at kongresista na napunta lang sa kanilang bulsa at sa “bath tub” ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.



Nag-akusa ang Pangulo na ginugulo ng mga pulitiko na sangkot sa P10-billion pork barrel scam ang tunay na isyu, at ngayon ay pinalalabas pang siya ang “pork barrel king” dahil sa bilyun-bilyong pisong pondo mula sa Pagcor, PCSO, at Malampaya. Ang nasa likod daw nito ay isang matandang pulitiko. Sino siya?


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwala sa personal integrity ni PNoy. Hindi siya sangkot sa anomalya, korupsiyon o eskandalo sa nakalipas na tatlong taon bilang Pangulo ng bansa. Ewan lang ang mga taong nakapaligid sa kanya at ang kanyang mga KKK. Kaiba sa ilang pulitiko na babaero, sugarol, manginginom at maraming “scholars” na babae, si PNoy ay walang ganoong bisyo maliban sa paninigarilyo at paglalaro yata ng computer!


Matindi ang tugon nina Sens. Jinggoy Estrada at Revilla sa parunggit ng Pangulo. Sinabi nilang hindi rin sila magnanakaw sa pera ng bayan. Kung gayon, eh, bakit sa record ng Commission on Audit, kasama sila sa diumano ay nagbigay ng pork barrel sa mga multong NGO ni JLN? Kasama ang batikan at magaling na si Sen. Juan Ponce Enrile, nakahabla sila sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman.


Mga kababayan, sino kaya ang tunay na magnanakaw ng salapi ni Juan dela Cruz, ng buwis ni Pedro Pasang-Hirap, ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda na diumano ay benepisyaryo ng kung anuanong NGO, pero kahit isang kusing ay wala namang nasalat o napala?


Samantala, nanawagan din ang mga negosyante na kabilang sa Makati Business Club kay PNoy na ituloy at ipursige ang pang-uusig sa mga pulitikong magnanakaw-mandarambong na sangkot sa maling paggamit ng public funds. Hindi raw dapat alintanahin ng Pangulo kung sila ay kasapi ng Liberal Party, UNA, NP o iba pang partidopulitikal. Dapat tabasin ng administrasyong Aquino ang mga ulo at galamay ng mga mandarambong, magnanakaw at walang budhing pinunong-bayan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MAGNANAKAW


No comments:

Post a Comment