Wednesday, November 20, 2013

NCAA volleyball: Benilde, agad uminit

Umiskor si John Vic de Guzman ng 19 puntos, kabilang dito ang labing-siyam na hits, dalawang blocks at isang ace upang pangunahan ang College of St. Benilde sa paggapi sa nakatunggaling Lyceum of the Philippines sa pagpapatuloy ng aksiyon kahapon sa NCAA Season 89 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.



Humanay ang Blazers sa opening day winners Emilio Aguinaldo College Generals at defending men’s champion University of Perpetual Help Altas sa pansamantalang pamumuno matapos manalo sa Pirates ng straight sets, 26-24, 25-18, 25-23.


Nag-ambag naman ng sampung puntos ang rookie na si Isaah O’Neil Arda sa nasabing panalo na naitala ng Blazers sa ilalim ng bagong coach na si Arnold Laniog sa loob ng isang oras at pitong minuto.


Nauna rito, nakamit ng Lyceum Junior Pirates ang karangalan bilang unang juniorswinner sa taong ito matapos nilang pataubin sa unang laro sa juniors division ang CSB-La Salle Greenhills.


Nagtala si Mcko Franz Binas ng game high 15 puntos, kabilang dito ang 9 na hits, isang block at limang aces para pangunahan ang nasabing laro na inabot ng 59 na minuto. (Marivic Awitan)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



NCAA volleyball: Benilde, agad uminit


No comments:

Post a Comment