Sunday, November 17, 2013

NAKAUKIT SA MUKHA

Laking gulat ko talaga nang makita ang isang may edad nang babaeng opisyal ng korporasyong aking pinaglilingkuran. Wala na ang mga linya sa kanyang noo at kulubot ng kangyang mga pisngi. Wala na rin ang waring permanenteng kunot sa pagitan ng kanyang mga kilay. Gumanda siya, sa madaling salita. Kaya pala nagbakasyon ito ng mahigit tatlong linggo, sumailalim sa cosmetic surgery. Matagal din pala ang pagpapahilom ng mga hiwa – bagay na ikinaginhawa naman ng mga miyembro ng staff ng naturang opisyal sapagkat magagalitin ito at maituturing na terror. May nagsabi nga na sana gumanda rin ang ugali nito. Well, ang mga kasama ng opisyal na ito marahil ang dahilan ng kanyang pagkabagsik.


Sa aking malawak na pagbabasa, may isang surgeon ang nagsabi: “Naniniwala ako sa kasabihan na kapag humantong ka na sa edad na limampu, taglay mo ang mukha na nararapat lang sa iyo. Pagkatapos ng maraming dekadang pangkagalit,

paninigaw, pagsisimangot, o pagtawa o pag-aalala, ang pag-uugali mo ay nakaukit sa iyong mukha. “


Iyon ang isang malinaw na paalala na araw-araw tayong lumilikha ng mukha na nagpapakita sa daigdig ng tungkol sa atin. Gayong wala namang binabanggit ang Mabuting Aklat tungkol sa cosmetic surgery, nagpapakita naman ito ng nakagugulat na konsepto na kung kilala natin si Jesus at nananalig tayo sa Kanya at sa Kanyang Salita, maaapektuhan ang ating hitsura.


Ayon sa Mabuting Aklat, nang matapos makipagkita sa Diyos, bumaba si Moses mula sa Mount Sinai at matinding nagliwanag ang kanyang mukha kung kaya hindi makatingin nang matagal sa kanya ang mga Israelita. Kinumpara ito ni San Pablo sa mas matinding kaluwalhatiang nararanasan ng mga may personal na pakikipag-ugnayan kay Jesus. Aniya,

binabago tayo ng Espiritu Santo na nasa atin at unti-unti tayong nagiging katulad ng ating Panginoong Jesus.


Gayong hindi naman tayo magtataglay ng napagaganda or napakaguwapong mukha kapag nanalig tayo kay Jesus, ang mga linya at kulubot ng ating pagmumukha ay mapapalitan ng kapayapaan ng kalooban na magpapakita ng kabutihan ni Jesus sa pamamagitan natin.


Hindi kayang tapatan ng ano mang cosmetic surgery nakapagpapabagong anyong biyaya ng Diyos


.. Continue: Balita.net.ph (source)



NAKAUKIT SA MUKHA


No comments:

Post a Comment