Friday, November 22, 2013

‘My Little Bossings,’ ipinasilip na rin sa ‘Eat Bulaga’

Ni Remy Umerez


Bimby and Ryzza SA wakas, ipinasilip na rin sa Eat Bulaga ang behind the scenes, trailer, at last day shooting ng inaabangang My Little Bossings na unang tambalan ng child superstars na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap.


Tiyak na marami ang natuwa lalo na ang viewers na hirap gumising ng maaga kaya hindi ito napapanood kapag ipinapalabas sa KrisTV.



Medyo mahaba na ang patikim dahil all cast na ang involved.


Bookeeper sa istorya si Vic Sotto, empleyado siya ni Kris, a wealth management specialist. Dahil sa trabaho ay ipinagkatiwala ni Kris ang kanyang anak na si Justine (Bimby)kay Vic. Mula sa orphanage where Aiza Seguerra works (pamangkin ni Vic) ay inampon si Ryzza at dito na iikot ang istorya.


Two months na kinunan ang pelikula at kitang-kita kung paano nabuo ang family bonding at special friendship ng dalawang tsikiting.


Ngayon pa lang ay hinuhulaang ipapagpag ng My Little Bossings ang iba pang mga kalahok sa MMFF.


Marami ang may prediksiyon na ito ang tatanghaling topgrosser.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘My Little Bossings,’ ipinasilip na rin sa ‘Eat Bulaga’


No comments:

Post a Comment