Friday, November 22, 2013

Tent City sa Pasay, tuloy pa rin

Tuloy ang operasyon ng “Tent City” na itinayo ng pamahalaang lungsod ng Pasay sa Villamor Air Base Elementary School matapos ibalik ng gobyerno ang processing center para sa evacuees mula sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.


Nanindigan si Pasay City Mayor Antonino Calixto na tuloy ang Tent City sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ hanggang sa kinakailangan.



“The tent city was set up to provide temporary housing for those who have nowhere else to go at this time and there are still many of them,” sabi ni Calixto.


Ang mga lumikas mula sa Leyte na minsang sumailalim sa proseso sa bagong processing center sa Camp Aguinaldo ay dinadala pa rin sa Tent City. Tinatanggap din ang mga biktima na kailangan ng tulong medikal sa “Yolanda Ward” sa Pasay City General Hospital.


Sinabi ni Jonathan Malaya, tagapagsalita ng pamahalaang lungsod, na hanggang kahapon ay umabot sa 91 indibiduwal (46 lalaki at 45 babae) ang nanunuluyan sa Tent City habang ang ilan ay inihatid na sa kani-kanilang kamag-anak sa Malabon, Taguig, Rizal at Quezon City.


Aabot sa 80-100 pamilya ang kayang tanggapin sa Tent City ng Pasay.


Sinasagot naman ng pamahalaang lungsod at mga donor ang pagkain, tubig, damit, electric fan, libreng tawag sa telepono, coloring book para sa mga bata, at maging television set na may cable connection. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tent City sa Pasay, tuloy pa rin


No comments:

Post a Comment