Saturday, November 9, 2013

Modernisasyon ng NAIA, malabo na

Ni Genalyn Kabiling


Wala pa ring desisyon sa panukalang modernization sa international airport system ng bansa.


Hiniling ni Pangulong Benigno S. Aquino III kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na magsumite ng listahan ng airport projects na maaaring makumpleto sa panahon ng kanyang termino.



Iprinisinta ng Abaya ang dalawang viable options – ang expansion ng Clark International Airport (CIA) at ang development ng isang bagong airport na kalahating oras ang layo mula sa Metro Manila – sa pagpupulong sa Malacañang noong Miyerkules.


Ang airport projects ay ipinanukala bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga pasahero sa bansa pagsapit ng 2040.


“Considering the long term nature of the airport improvement projects currently in the pipeline, the president has directed DOTC Secretary Abaya to clearly delineate which projects could be completed in the current term, as well as those that will be fully implemented beyond 2016,” sabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr..


Sinabi ni Coloma na nais ng pangulo na repasuhin ni Abaya ang mga airport project at tiyakin ang maaayos na transition.


Ang unang option na iprinisinta ni Abaya ay kinasasangkutan ng pagsasara sa Ninoy Aquino International Airport pagsapit ng 2030 habang babalikatin ng bagong gateway ang bulto ng mga pasahero.


Ang iba pang option ay pahihintulutan ang NAIA na tumakbo kasabay ng CIA at ng bagong airport hanggang sa 2040.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Modernisasyon ng NAIA, malabo na


No comments:

Post a Comment