Saturday, November 9, 2013

Kritiko sa bagong album ni Lady Gaga: No musical experiment

PARIS (AFP) – Determinado si Lady Gaga na mapanatiling sa kanya ang korona ng “Queen of Pop” sa pamamagitan ng pinakaaabangang ikatlong album niya, ngunit matamlay ang pagtanggap dito sa Amerika at Britain.


ARTPOP Lady Gaga Ang Artpop ang hudyat ng pagbabalik sa limelight ni Stefani Germanotta — kilala bilang Lady Gaga sa entablado at sa music video — simula nang mapilitan siyang mag-lie low dahil kinailangan niyang operahan sa balakang.



“For ArtPop, in a symbolic way, I’ve put myself in front of a mirror, I’ve taken off my clothes, then the makeup, then the wigs, I’ve dressed myself with a black jumpsuit and I’ve told myself: ‘Now, you have to prove you can be brilliant without all that,’” sabi ni Lady Gaga sa Grazia magazine.


Bago pa man ang opisyal nitong release sa susunod na buwan, paksa na ng mga headline ang Artpop.


Nagpahaging din ang 27-anyos na New Yorker ng isang out-of-this-world publicity splash para sa official launch ng album—isang konsiyerto sa kalawakan.


Iniulat ng US Weekly magazine na plano ni Lady Gaga na sumailalim sa isang-buwang special vocal training upang magtanghal sa unang bahagi ng 2015 lulan ng Virgin Galactic, ang pampasaherong spaceplane na inilunsad ng bilyonaryong British na si Richard Branson upang mapasikat ang space tourism.


Bagamat hangad ng ikatlong album na patunayan ang pinag-ibayong artistic ambition ni Lady Gaga, hindi naman kumbinsido ang mga kritiko sa Britain at Amerika.


Mapakikinggan sa Artpop ang mga pamilyar na tema — desire, sex, drugs, identity, celebrity, fashion, creativity — at halos pareho lang ang tunog sa mga naunang album ni Lady Gaga na The Fame at Born This Way at hindi masasabing isang bagong musical experiment.


“There’s certainly some decent pop on Lady Gaga’s new album — but the ‘art’ part is rather harder to discern,” anang The Guardian ng Britain.


Ito rin ang komento sa Atlantic.


“Lady Gaga’s latest extravagant exploration of her own fame, fabulousness and fearlessness is undeniably relentless, but that doesn’t mean it’s consistently entertaining,” sabi naman ng USA Today.


“Musically, it’s as big and bold, unpredictable and diverse as Gaga herself with enough hooks and ABBAesque choruses to keep any pop fan smiling through Christmas and beyond,” saad naman sa online review ng Huffington Post


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kritiko sa bagong album ni Lady Gaga: No musical experiment


No comments:

Post a Comment