Tuesday, November 5, 2013

Mga kabataan, nag-init sa PH Open kegfest

Isa pang kabataan, si Ivan Malig ng TBAM-Prima, ang umarangkada sa 42nd Philippine International Open tenpin bowling championships upang maging maagang Class O all-events frontrunner sa Sta. Lucia Center sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta, Rizal.



Miyembro ng National Youth squad, kumulekta ang 15-anyos na si Malig ng 1460 pinfalls sa impresibong mga iskor na 649 sa singles, 429 sa doubles at 382 sa team upang umungos mula kay SLETBA’s Lito Santarinala (1364) at BALP’s Angel Tolentino (1332).


Si Malig ay miyembro ng Youth team na sumabak sa nakaraang Asian Youth championships sa Hong Kong.


Sumadsad lamang si JD Campos, isa pang youthful TBAM-Prima stalwart na pinamunuan ang kanyang koponan sa top spot sa men’s Class O competition, ng 13 pins kay Malig sa kanyang isinumiteng 1447 (537 sa singles, 400 doubles at 516 team) upang umabante sa Class B all-events.


Tumapos si Campos na may 84 at 108 pins upang iwanan sina SLETBA’s Ted Victorino at TBAM-Prima’s Dafort Diokno, ayon sa pagkakasinod.


Ang iba pang all-event leaders sa 15-day kegfest ay sina PBAP’s Jai Ramirez (1103) sa ladies’ Class O, TBAM’s Mon Camba (1356) at PBA’s Lynn Tan sa men’s at ladies’ Class A at TBAM-Prima’s Jasha Jaron (1312) sa ladies’ Class B.


Iniwanan naman nina PBA’s Nilo Penado (1325) at SLETBA’s Papio de Dios (1325) si Camba, pumangalawa si PBA’s Nelia Santos (1187) kay Tan, habang si TBAM-Prima’s Angel Lazo (1178) at ATBA’s Ching Co (1175) ang sumunod kay Jaron.


Ang international tourney ay may basbas ng World Tenpin Bowling Association at ng Asian Bowling Federation at inorganisa ng Philippine Bowling Congress at sa kooperasyon ng Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission. Ang torneo ay suportado rin ng University of Perpetual Help System, Richmonde Hotel Ortigas at National Bowling Tour.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mga kabataan, nag-init sa PH Open kegfest


No comments:

Post a Comment