Saturday, November 16, 2013

Metro Manila mayors, mag-aampon ng mga sinalantang bayan, lungsod

Ni Bella Gamotea


Nagkaisa ang mga alkalde ng 17 siyudad at munisipalidad sa Metro Manila na mag-ampon o mag-sponsor ang bawat isa para sa rehabilitasyon ng dalawang bayan o lungsod sa Visayas na napinsala ng bagyong Yolanda.


Ito ang napagpasyahan sa emergency meeting kahapon nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, Executive Secretary Paquito Ochoa at miyembro ng Metro Manila Council (MMC).



Target nito ang pangmatagalang solusyon sa mga lgar na apektado ng bagyo upang makabangon sa kalamidad dahil maging ang mga lokal na pamahalaan ay biktima rin.


Bukod sa pag-adopt, magpapadala ang bawat miyembro ng MMC ng 10-man team na tutulong sa search at retrieval operations sa Samar at Leyte at maaaring mag-deploy ng administrator, doktor, engineer at iba pa upang pangasiwaan ang

programa sa rehabilitasyon hanggang sa makarekober ang napiling lugar na kanilang aayudahan.


Maituturing na mayayaman ang mga siyudad sa Metro Manila at kayang mag-ampon ng lima o higit pang lugar sa Visayas.


Kabilang sa matinding hinagupit ng bagyong Yolanda ang mga probinsiya ng Leyte, Samar, Cebu at Iloilo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Metro Manila mayors, mag-aampon ng mga sinalantang bayan, lungsod


No comments:

Post a Comment