Saturday, November 16, 2013

GM So, inalis sa SEAG

Hindi pa man nagsisimula ang kampanya ng Team Philipines ay nabawasan na ng siguradong isang gintong medalya ang bansa sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games matapos na umatras umano ang nag-iisang Super Grandmaster na si Wesley So.



Nalulungkot na inihayag ni Paul Ycasas, miyembro ng POC-PSC SEA Games Task Force, na sumulat ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa kanila upang ipabatid na tuluyan na nilang inaalis ang 18-anyos na si So sa pambansang koponan.


“The NCFP sent a letter to the POC address to Chairman Tom Carrasco and Team PH Chef de Mission Jeff Tamayo that they will remove the name of Wesley So in their chess roster. The full reason is not clear on my part as only my higher officials know, and the only thing I know is Wesley reasoned out his schooling,” sinabi ni Ycasas.


Kinukonsidera na isang malaking dagok para sa pambansang koponan ang pagkawala ni So, kagagaling lamang sa pagwawagi ng gintong medalya sa Kasan Russia World Universiade, dahil hindi nito maipagtatanggol ang iniuwing gintong medalya noong 2011 Jakarta SEA Games sa kategoryang blitz.


Dahil sa pagkawala ni So, naiwan na lamang sa mga kamay ng Grandmasters na sina Eugene Torre, Mark Paragua, Joey Antonio at Darwin Laylo ang kampanya ng Pilipinas sa kabuuang 16 na magkakaibang event sa chess.


Samantala, sinabi ni Ycasas na hinihiling ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na maisama sa opisyal na listahan sa men’s basketball team ang kasalukuyang NCAA Most Valuable Player na si Raymond Almazan ng Letran.


“Mr. Bernie Atienza called the SEA Games Task Force office to inform us to include the name of Mr. Raymond Almazan sa lineup ng men’s basketball. I think ipinahiram na siya ng Rain Or Shine for the national team. But until I got hold of the formal request form and list ng kanilang entry by names, hindi natin maaasikaso iyan,” pahayag ni Ycasas.


Ganito rin ang sitwasyon ng women’s basketball team na pinamumunuan ni Haydee Ong kung saan itinawag nito ang nakatakdang pagpapalit alinman kina Fria Bernardo, Analyn Flormata at Mercedita Arayi at maging sa wushu na kung saan balak alisin si Dembert Arcita ni Benjie Rivera. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



GM So, inalis sa SEAG


No comments:

Post a Comment