Saturday, November 23, 2013

May trauma na sa mga pagyanig dahil sa lindol!

NINENERBIYOS pa rin pala si Angelica Panganiban every time na may nakararamdam ng pagyanig tulad sa vibration ng malakas na sound sa stage during the launch ng bago niyang tri-media endrosement na Excelente light brandy sa Esplanade, SM Mall of Asia.


“Hanggang ngayon may trauma ako. Kapag naririnig ko na may nagba-vibrate. Halimbawa kumakain, tapos magba-vibrate ‘yung cellphone, ‘Ngiii!’ nagpa-panic ako nang ganoon,” lahad niya.


Si Angelica ang bagong brand ambassador ng light brandy na Excelente.


“Hindi siya matapang na alak. Sobrang mild na klase ng brandy kaya ganoon ‘yung ginawa nilang tagline, parang good shot kasi swabe. Tapos ah, siguro kahit marami ka nang nainom parang good shot ang tama sa ‘yo,” lahad ni Angelica.

Unlike nu’ng ibang local brands ng mga alak, wala raw siyang calendar para sa Excelente.

“Kasi ako, siyempre ingat akong kumuha lalo na kapag alak ang ie-endorse mo dahil ayaw mong, iba kasi ang take lalo na sa bansa natin medyo conservative pa ‘yung mga tao. So, naging malinaw naman nu’ng tinanggap ko siya kung paano ba siya iki-cater sa mga tao, paano bang approach ang mangyayari. So, noong nalaman ko naman na barkada, masaya lang katulad noong commercial, okey.”


Tapos na rin daw siya sa pag-pose in print ng naka-two piece swimwear.


“Nagsalita na ako noon pa, noong nag-FHM ako. Ayoko na. Wala na rin ako sa Bench ‘di ba? Hindi ko siya kayang gawin, ah, e, feeling ko darating ka talaga sa point na, okey na. Kasi hindi rin naman ako ganoon kakomportable magpaseksi. Siyempre ginawa ko lang siya dahil siguro child star ako at kailangang makita ng mga tao ang change, na dalaga na siya. Totoo, dalaga na talaga siya. So, nu’ng na-prove ko ‘yun, hindi ko na kailangang i-push pa. Parang okey na,” esplika ni Angelica.


Tinanong namin si Angelica kung ipapa-try ba niya sa boyfriend niyang si John Lloyd Cruz ang Excelente. “Kapag gusto niya,” kasunod ang tawa niya.


Although ngayon daw ay nagiging health buff na si John Lloyd.


“Siguro dahil sa age. Hahaha! Noong nag-thirty siya meron talaga siyang, hindi lang naman niya sa akin sinasabi ‘yun kundi pati sa pamilya niya, gusto niya magkaroon ng healthy lifestyle. So, kaya siya, mahilig siya na mag-bike ulit ngayon. Tapos tumatakbo siya kapag may chance.”


Pero hindi naman niya sinasabing hindi na umiinom si Lloydie.

“Ah, moderate na lang. Na-realize niya na hindi rin maganda ‘yung matsismis siya na ganito, ganyan. So ngayon, okey-okey rin naman.”


Siyempre, natuwa si Angelica sa pagbabagong ‘to ng boyfriend niya.


Rebelasyon naman ang sinabi ni Angelica sa amin na gusto na niya mag-asawa.

“Hindi ngayon. Baka next year. Hahaha!”


Kapaga nag-propose raw sa kanya si John Lloyd, tiyak na sasagutin daw niya agad. Pagkatapos ay biniro niya kami, “Ayan, may scoop ka na naman. Hahaha!”

Sabi pa niya, “Hindi kasi, siyempre ‘di ba, noong bagets ako sabi ko gusto ko kapag 28 na ako may asawa na ako para pagdating ko ng 30 mag-aanak na ako. E, 27 na ako ngayon. Kung wala, e, ‘di hintay ako next year hanggang 29. Kapag wala pa rin, 30. Tapos kapag 31, hihiwalayan ko na, ‘Ano ba?’ Hahaha! ‘Maghahanap na ako ng ibang pakakasalan ko!’”


At kapag nagpakasal na raw siya, hindi muna siya magbi-baby. Gusto raw muna niyang i-enjoy ang pagiging misis.


The post May trauma na sa mga pagyanig dahil sa lindol! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



May trauma na sa mga pagyanig dahil sa lindol!


No comments:

Post a Comment