Saturday, November 23, 2013

Split daw pero araw-araw nagkikita at minu-minuto nagtatawagan!

MAS blooming pala si Cristine Reyes kung out of love siya.

Stress-free siya ‘pag walang lovelife ‘coz kapag in love siya ay todo-buhos talaga na siya pang ikinawiwindang ng kanyang career tulad ng nangyari nu’ng bago pa lamang siya sa showbiz.


Sa mga interview ni Cristine Reyes sa show ni Vice Ganda at sa reformatted na bagong Buzz Ng Bayan ng King of Talk Boy Abunda parang pini-playtime lang ng dalaga ang dalawa sa isyu tungkol kay Derek Ramsay.

Zero-bakas ng bitterness, panghihinayang or anything ang most sought- ater in-house talent ng ABS-CBN.

But she learned her lessons in life faster than she could imagine. “I cannot let go of the many opportunities coming my way. Thank God, never akong nabakante under Viva, my home studio,” sambit pa niya. Nabili ko na ang dream car ko at ‘di ko na kailangang tanggapin pa ang gift sana na kotse sa akin ni Derek Ramsay noong kami pa, although ‘di ko talaga ugaling tumanggap ng mamahaling bagay sa suitor ko ‘coz mas gusto ko pa ang love notes or chocolates like that,” sambit pa niya.


Bulong naman sa amin ng isang beteranong reporter na hindi raw siya naniniwalang split na si Cristine kay Derek Ramsay, sabay sabi, “E, may split bang araw-araw nagkikita-kita at minu-minuto nagtatawagan? Maniwala kayo, press release lang nila ‘yun noh?”

Whatever, kung mapapanindigan nila ito seamlessly, e, ‘di ‘yun na ‘yon. We are always happy for people inlove.


Si Cristine ay officially ipinakilala bilang pinakabagong additional cast ng top-rated Honesto, ongoing pambatang-teleserye ng Dos. Bale first major na pambatang teleserye ang Honesto para kay Cristine na gabi-gabi ay mapapanood pagkatapos ng TV Patrol.


Siya si Marie sa nabanggit na teleserye, ang misteryosang karakter na bubulabog sa buhay nina Joel Torre, Noni Buencamino, Angel Aquino, Maricar Reyes, at lalo na sa batang si Honesto.


Check it out. Cristine is a breath of fresh air sa power casting ng Honesto.


RYAN AGONCILLO SA MAGICAL AT MAPAGHAMONG GAME SHOW


NAGKAROON ng test run ang bagong game show ni Ryan Agoncillo na Picture! Picture! ng GMA 7.


Ang napisil na player among others sa nasabing test run ay ang presidente ng PMPC na si Fernan de Guzman aka Miss “F” na kung ‘di ‘nyo pa alam ay host din ng number one Wow Ang Showbiz entertainment radio talk show ng station DWIZ.


Could be the reason why hindi na nag-renew ng contract si Ryan Agoncillo (or is it the other way around?) sa TV5. May bago na pala siyang game show sa kabilang station.

Nakatatawa at nakae-enjoy sobra ang “Picture! Picture!” kahit may elimination round pa hanggang sa natitirang grand winner who happens to be Isah Red, entertainment editor ng Manila Standard.


Light lang ang dating nito sa mga player at pati na sa mga viewer. Totally relaxing, soothing to the senses. Nakaaalis ng Saturday stress. Ang big come-on ng “Picture!Picture!” ay ang chance to win half a million pesos by correctly answering 10 picture-aided-questions with only 30 seconds to come up with an answer.


The experience shows how photos can be emotionally engaging, eliciting wide range of emotions.


Moreover, the game is totally interactive and unique, culturally relevant across all ages and gender that is relatable and educational as well for viewers to watch.


Ang na-notice namin ay napaka-pleasant sa mata as in may pagka-magical ang dating nito visually sa manonood dahil sa napaka-high-end, ngunit simpleng-simple ng design ng set nito.


Kitang-kita sa monitor habang tini-test run ito at animo’y lumulutang sa ulap, sa wonderland na kumikislap-kislap ang body English ng mga player pati na si Ryan Agoncillo who is so at home with his métier as Prince of Game Show Host kung walang mag-o-object ha?


The good or bad news is that makikipag-umpugan talaga ang Picture!Picture! starting Nov. 23 sa GMA’s Sabado Star Power sa ongoing show na Bet On Your Baby ng kanyang mismong kabiyak na si Juday Santos ng Dos na on the same time slot at 6pm tuwing Sabado rin.

As in wala nang urungan. Aba masaya. Healthy competition.


Ang tanong sino kaya ang mag-benefit sa umpugan ng show ng mag-asawa? Si Ryan ba o si Juday? For one thing, pareho silang mag-benefit dahil parehong pag-uusapan ang show ng mag-asawa.


Sa rating ibang usapan na ’yon. Sino ang sumasakay sa kasikatan nino? So abangan ang sunod na kabanata. Ang tanong, ma-duplicate kaya ni Ryan Agoncillo ang kasikatan niya sa record-breaking Talentadong Pinoy ng TV5 sa bagong Picture!Picture! game show na ito?


The post Split daw pero araw-araw nagkikita at minu-minuto nagtatawagan! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Split daw pero araw-araw nagkikita at minu-minuto nagtatawagan!


No comments:

Post a Comment