Wednesday, November 27, 2013

May-ari ng gasolinahan naholdap sa Caloocan

NAHOLDAP ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek ang may-ari ng gasolinahan sa


Caloocan City Miyerkules ng hatinggabi, Nobyembre 27.


Sa pahayag ng biktimang si Cesar Cipriano, 35, alas-12 ng hatinggabi, nasa kaha siya nang nagpakarga ng gasolina ang mga suspek sa kanyang pag-aaring Caltex Gasoline Station sa A. Mabini St., Maypajo, nasabing lungsod.


Nang makargahan ng kanyang gasoline boy ay isa sa mga suspek ang lumapit sa kaha at nagkunwaring magbabayad subalit sabay tutok ng baril sa biktima at kinuha ang shoulder bag na naglalaman ng P5,000.


Pinutukan pa ng isa sa mga suspek ang biktima subalit suwerteng hindi tinamaan bago nagsitakas ang mga una sakay ng Yamaha Mio na hindi na nakuha ang plaka kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga salarin.


The post May-ari ng gasolinahan naholdap sa Caloocan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



May-ari ng gasolinahan naholdap sa Caloocan


No comments:

Post a Comment