Thursday, November 14, 2013

Marquez, gumamit ng PEDs- Mayweather

Pinagbintangan ng Amerikanong trainer na si Roger Mayweather si Mexican Juan Manuel Marquez na gumamit ng performance enhancing drugs (PEDs) kaya napatulog sa 6th round noong nakaraang Disyembre 8 si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada.



Unang pinagbintangan ng tiyuhin ni WBC welterweight champion Floyd Mayweather Jr. si Pacquiao na gumagamit ng PEDs kaya naging eightdivision world boxing champion ang Pilipino kaya’t nauwi sa paghahabla ang usapin sa Nevada court.


Sa panayam ni Jenna Jay ng On the Ropes Boxing Radio show sa United States, iginiit ng nakatatandang Mayweather na gumamit ng PEDs si Marquez kaya nagawang patulugin si Pacquiao.


Naging kaduda-duda ang pagsasanay ni Marquez sa laban kay Pacquiao nang kunin bilang conditioning coach ang kontrobersiyal na eksperto sa PEDs na kababayang si Angel Heredia.


Idinagdag ng dating boksingero na makababalik si Pacquiao kung tatalunin si Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa Macau, China pero hindi na ito lalabanan ng kanyang pamangkin.


“If he gets through this fight right here with Brandon Rios, then I believe he can come back, but I’ll tell you one thing, he ain’t gonna fight Floyd, I know that. He ain’t gonna fight Floyd, if he wanted to fight Floyd he could have fought Floyd a long time ago. Why he ain’t fought Floyd then? Why?,” giit ni Roger. “I don’t think even though his stock went down, I don’t think he’s gonna fight Floyd. I don’t think so, even though everybody is doing all this talking, Pacquiao this and Pacquaio that. So I don’t know what they’re talking about.”


Kahit iginiit ni Floyd Mayweather Sr. na posibleng labanan ng anak nito si Pacquiao, hindi naniniwala si Roger na magaganap ang megabout sa hinaharap.


“It ain’t gonna happen, I don’t think it’s going to happen. Who is going to say that Pacquiao can whoop Floyd, what people are going to say that?,” pahayag pa ni Roger. – Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Marquez, gumamit ng PEDs- Mayweather


No comments:

Post a Comment