Friday, November 15, 2013

Mag-ingat sa bogus na fund-raising—US officials

Ni Roy Mabasa


Dapat na mag-ingat sa mga bogus na relief effort para sa mga biktima ng super typhoon ‘Yolanda.’


Ito ang naging babala ng United States-Department of Justice (USDoJ), Federal Bureau of Investigation (FBI), at National Center for Disaster Fraud (NCDF) dahil sa posibilidad na magsamantala ang ilang sindikato sa pangangalap ng donasyon para sa mga biktima ng kalamidad.



Sa isang kalatas, sinabi ng US-DoJ na maraming indibidwal ang madaling madala sa mga panawagan ng ayuda dahil sa tindi ng pananalasa ng pinakamalakas na bagyo na naranasan sa bansa.


Subalit, iginiit ng tatlong ahensiya na dapat na maging mapagsuri at maingat ang mga nais tumulong.


“Solicitations can originate as emails, websites, door-to-door collections, mailings, telephone calls and similar methods,” sabi ng US-DoJ.


Ang abiso ng US-DoJ: “Before making a donation of any kind, consumers should adhere to certain guidelines. This includes not responding to any unsolicited (spam) incoming emails, including by clicking links contained within those messages, because they may contain computer viruses; being cautious of individuals representing themselves as victims or officials asking for donations via email or social networking sites; and being aware of organizations with copycat names similar to but not exactly the same as those of reputable charities.”


Ayon pa sa ahensiya, sa halip na sundan ang isang link sa isang website, dapat beripikahin muna kung lehitimo ang nagpiprisintang non-government organization sa pamamagitan ng internet.


Dapat din, anila, na hindi magpadala ang mga mamamayan sa mga nakaaawang larawan ng mga biktima na ipinapakalat sa email dahil posible ring may dala-dalang virus ang mga ito.


“Only open attachments from known senders,” ayon sa abiso ng USDoJ. “To ensure that contributions are received and used for intended purposes, make donations directly to known organizations rather than relying on others to make the donation on your behalf.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mag-ingat sa bogus na fund-raising—US officials


No comments:

Post a Comment