Sunday, November 10, 2013

Mag-asawa, arestado sa shabu session

Isang rescue operation sa isang 16-anyos na babae na binubugbog umano ng kanyang magulang ang orihinal na pakay ng pulisya subalit nabuking ang mag-asawa na bumabatak ng shabu sa raid na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto sa kanilang tahanan sa Pasay City, noong Sabado ng hapon.



Kinilala ni Chief Insp. Lerpon Platon, hepe ng Pasay City Police-Intelligence Section, ang naarestong mag-asawa na sina Joval Alcano, 51; at Flordeliza Alcano, 46, kapwa ng 1088 Higgins Street, Pasay City.


Naaresto rin sa operasyon ng pulisya ang kasamahan ng mga Alcano na sina Renato Estillero, 42, janitor; at Jose Ogaro, pedicab driver.


Nabawi sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at sari-saring drug paraphernalia.


Inilunsad ng Pasay City Police ang pagsalakay matapos makatanggap ng reklamo ang ABS-CBN public service program na “Bistado” ni Julius Babao hinggil sa pang-aabuso umano ng mag-asawang Alcano sa kanilang kaisa-isang anak.


Base sa impormasyon ng pulisya, binubugbog ng mag-asawa ang dalagita tuwing sabog ang mga ito sa shabu, na itinanggi naman ng magasawa. – Mitch Arceo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mag-asawa, arestado sa shabu session


No comments:

Post a Comment