Sunday, November 10, 2013

Cagayan, magpapakatatag sa top spot

Ni Marivic Awitan


Pagtibayin ang kapit nila sa solong pamumuno ang target ng Cagayan Valley sa pagsagupa nito sa baguhang Derulo Accelro sa tampok na laro ngayong hapon sa 2013 PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City.


Ika-apat na sunod na panalo ang target ng Rising Suns sa pagtitipan nila ng Oilers ganap na ika-apat ng hapon para sa huling laro ng nakatakdang triple header.



Sa kabilang dako, magsisikap naman ang Oilers na binubuo halos ng mga manlalaro buhat sa University of the Philippines at ginagabayan ng dating ring Maroon na si Paolo Mendoza na makabasag sa win column matapos mabigo sa unang tatlo nilang laro.


“Ang mahalaga lang naman magtuluy-tuloy yung jelling ng mga players namin at yung magandang communication para sa makapagexecute ng maayos gaya ng ginawa namin last time,” pahayag ni coach Alvin Pua ng Rising Suns na tinutukoy ang kanilang nakaraang 92-75 na panalo kontra Arellano/Air21.


Mauuna rito, magsasagupa naman sa unang salpukan ang Boracay Rum at ang Café France ganap na alas-12 ng tanghali na susundan ng tapatan ng Arellano University/Air21 kontra baguhang Zambales M Builders sa ika-4 ng hapon.


Kapwa galing sa pagkabigo sa kanilang nakaraang laban, ang Waves sa kamay ng Blackwater Sports, 85-87, at ang Bakers sa kamay ng Jumbo Plastic Linoleum, 70-74, tiyak na magdidikdikan ng husto ang dalawang koponan para makabalik sa win column partikular ang Bakers na siguradong sisikaping umiwas na mahulog sa ikatlo nilang kabiguan sa unang apat na laban.


Samantala sa ikalawang laban, hangad naman ng Builders na makapagtala ng unang back-to-back wins sa paghahangad na madugtungan ang ikalawang panalo na nakamit kontra Wangs Basketball Courier,76-74 sa kanilang pakikipagtuos sa Chiefs na target naman ang unang panalo matapos mabigo sa unang dalawang laro.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cagayan, magpapakatatag sa top spot


No comments:

Post a Comment