Friday, November 8, 2013

Loverspy hacker, wanted sa FBI

WASHINGTON (AP) — Isinama ng FBI sa listahan ng most wanted cybercriminals nitong linggo ang isang dating San Diego college student na lumikha ng $89 program na tinatawag na “Loverspy” o “Email PI.”



Ipinagbili sa online mula sa kanyang apartment, ang programa ay inilako bilang paraan “[to] catch a cheating lover” sa pagpapadala sa indibidwal ng isang electronic greeting card na kapag binuksan ay magkakabit ng malicious software para masalo ang mga email at instant messages, o tiktikan ang iba gamit ang sariling webcam ng biktima.


Si Carlos Enrique Perez-Melara, 33, ay tubong El Salvador na nakapasok sa United States gamit ang student visa at noong 2003 ay ipinagbili ang spyware, na diumano’y tutulungan ang karaniwang computer user na maging sophisticated hacker.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Loverspy hacker, wanted sa FBI


No comments:

Post a Comment