Wednesday, November 20, 2013

Korina, hindi suspended at hindi rin nagbakasyon

Ni Reggee Bonoan


Korina Sanchez FINALLY, nakatanggap kami ng mensahe mula sa ABS-CBN Corporate Communications noong Martes ng gabi na nagsasabing hindi sila mag-iisyu ng official statement tungkol sa absence ni Korina Sanchez sa TV Patrol at sa radio program nitong Rated Korina sa DZMM na nagbunsod ng viral posts sa social media na suspended daw ang new anchor.



Ilang araw na naming kinukulit ang Corporate Communications department ng Dos tungkol dito. At ang sagot sa amin: “Wala (official statement), nai-interview kanina si Korina sa DZMM, you can quote her based on the interview.”


Ang naturang interview ni Korina ay sinulat namin at lumabas kahapon.


Kung walang official statement, nangangahulugan lang na hindi nga suspendido o ‘pinagbakasyon’ si Korina. Matatandaan na kapag may high profile na nasususpinde sa Dos ay naglalabas ng official statement ang kanilang management.


Tinawagan din kami ng aming source na nagsabing, “Reggs, hindi po totoong pinagbakasyon si Korina, kasi she’s working now for her Rated K episodes.


“Nasulat po kasi ninyo na pinagbakasyon siya, it’s not true. As of this moment (kahapon), she’s on her way to Iloilo at Zamboanga, kagagaling lang po niya ng Capiz for her Rated K episodes.”


Ikinatwiran namin sa tumawag na ‘bakasyon’ ang ginamit ng aming source sa news department ng ABS-CBN at hindi suspendido, tulad ng nasusulat dahil nga may suweldo pa rin si Korina Sanchez.


“Kasi kung pinagbakasyon siya, dapat wala siyang ginagawa, eh, tuluy-tuloy pa naman ang trabaho niya. In fact, she is doing her own relief goods distribution na nanggaling sa sariling bulsa niya ang not from anybody else. This will be aired sa Rated K,” paliwanag ng tumawag sa amin na ayaw ipabanggit ng pangalan.


Oo nga naman, kung totoong pinagbakasyon si Korina, bakit nga ba siya gumagawa ng istorya para sa Rated K? Hindi ba kung nakabakasyon ka, Bossing DMB, namamasyal at peteks ka lang?


(Reggee, wala tayong bakasyon, alam mo ‘yan! Kahit nasaan tayo, nagdi-deadline tayo, he-he… –DMB)


Tanong namin sa aming kausap, kailan magre-report si Korina sa TV Patrol?


“Anytime soon po. Puwedeng mamaya or tomorrow,” sabi sa amin.


Oo nga, para mawala na ang mga haka-hakang suspendido o nagbakasyon, dapat magpakita na si Korina sa TV Patrol agad-agad, di ba, Bossing DMB?


(Ateng, kung nagbabasa ka, painterbyu naman kami! –DMB)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Korina, hindi suspended at hindi rin nagbakasyon


No comments:

Post a Comment