Wednesday, November 20, 2013

School official, nabiktima ng ‘Dugo-Dugo’

Sa kabila ng ilang ulat na babala sa ilegal na akitibidad ng mga “Dugo-Dugo” gang, nasalisihan pa rin ang dalawang kasambahay ng opisyal ng isang paaralan sa Quezon City ng mga miyembro ng sindikato matapos matangay ang mahigit sa P300,000 halaga ng salapi at personal na gamit ng huli noong Martes ng umaga



Kinilala ni Supt. Richard Fiesta, hepe ng Anonas Police Station, ang biktima na si Ma. Francisca Diaz, 35, director ng Ideas Montessori, at residente ng Varsity Hills Subdivision, Barangay Loyola Heights, Quezon City.


Iniulat ni Diaz sa pulisya na tinangay ng mga salarin ang kanyang safety deposit box na naglalaman ng P302,000; dalawang titulo ng lupa; apat na pasaporte; dalawang alahas; at dalawang baril.


Napag-alaman ng pulisya na nakatanggap ng tawag ang dalawang kasambahay ni Diaz – na sina Ma. Irish Berana at kapatid nitong si Maricar – mula sa isang bakla noong Martes ng hapon, na nagsabing naaksidente ang kanilang amo at kailangan nito ng malaking halaga sa kanyang pagpapagamot sa isang ospital.


Sa puntong ito, inutusan ng suspek ang dalawang kasambahay na kunin ang salapi at mahahalagang gamit ni Diaz sa kanyang silid at ibigay sa isang babae na naghihintay sa SM Manila. Laking gulat ng magkapatid na Berana nang biglang dumating si Diaz sa kanilang tahanan na walang kagalus-galos dahil hindi ito nasangkot sa ano mang aksidente. – Jeffrey G. Damicog


.. Continue: Balita.net.ph (source)



School official, nabiktima ng ‘Dugo-Dugo’


No comments:

Post a Comment