Friday, November 1, 2013

Kar 3:19 ● Slm 23 ● Rom 6:39 ● Mt 25:3146

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa… paghihiwahiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa… Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: ‘Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagutom ako at inyong pinakain…“At itatanong sa kanya ng mabubuti: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain…?’ Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.’ ”


PAGSASADIWA

Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom? – Tunay na nakakatuwang balikan ang pagtatanong na ito ng mga taong maituturing na napunta sa kanan ng Panginoon sa kanyang maluwalhating pagdating. Sapagkat ito ay nagpapahiwatig ng kawalang malay pero naglalaman ng mga mabubuting gawa na naipakita at naibahagi sa kapwa. Sa huli ay nagkamit naman sila ng tunay na pagpapala na maging tagapagmana ng Kahariang inihanda ng Panginoon. Sa araw na ito, ginugunita natin ang mga kaluluwa ng lahat ng mga yumao na batid nating nagiwan sa atin ng aral batay sa kanilang mga ginawa.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kar 3:19 ● Slm 23 ● Rom 6:39 ● Mt 25:3146


No comments:

Post a Comment