Nina Freddie Lazaro at Rommel P. Tabbad
LAOAG CITY, Ilocos Norte – Nakaranas ng malawakang brownout ang buong Ilocos Norte at ilang lugar sa Cagayan matapos pabagsakin ng malakas na hangin dulot ng bagyong “Vinta” sa Hilagang Luzon noong Huwebes ng gabi.
Subalit naiballik ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang supply ng kuryente sa lalawigan dakong 10:00 ng umaga noong Biyernes.
Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na 71 barangay mula sa 14 munisipalidad at siyudad ng Ilocos Norte ang matinding naapektuhan ng bagyong “Vinta” kung saan nagsilikas ang 368 pamilya o 1,777 indibidwal.
Umabot rin sa 21 bahay ang tuluyang nawasak ng bagyo.
Papalabas na ng bansa ang bagyong ‘Vinta’ matapositong mag-landfall sa lalawigan ng Cagayan.
Inalis na rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) ang ilang babala ng bagyo sa ilang lalawigan sa Luzon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment