Tuesday, November 12, 2013

Justin Bieber, 2 beses nag-walkout sa stage sa South American tour

BUENOS AIRES, Argentina (AP) – Sinisi ni Justin Bieber ang food poisoning kaya napilitan siyang lisanin ang entablado sa ikalawang pagkakataon sa kanyang South America tour. Sa pagkakataong ito, umani siya ng boo mula sa napakaraming audience sa River Plate stadium sa Buenos Aires, na nagsipagbayad ng $320 bawat isa upang mapanood ang kanyang pagtatanghal.



“I’m not feeling too good, I think I’m out of energy,” sabi ni Justin sa crowd, humingi ng paumanhin bago nagpakawala ng flying kiss at tuluytuloy nang umalis sa entablado nang nakayuko.


Nag-post din si Justin ng “selfie” sa Twitter na makikita siyang tumatanggap ng intravenous fluids.


Ipinagtanggol si Justin ng kanyang manager na si Scooter Braun noong Lunes, nagdetalye ng sariling bersiyon ng wild weekend ng Canadian pop star.


Ayon kay Scooter, grabe ang dinanas na food poisoning ni Justin kaya walong oras itong nag-IV drip bago nagtanghal noong Linggo ng gabi, bagamat ipinayo na aniya ng mga doktor na kanselahin ang show pero tumanggi ang 19-anyos na singer.


Isa at kalahating oras na late si Justin sa pagtatanghal at magiisang oras lang siya nag-perform bago lumisan sa entablado, ayon kay Scooter.


Matatandaan na maaga ring nilisan din ni Justin ang entablado sa Brazil, nang pukulin siya ng plastic bottle ng isang manonood na hindi natukoy.


Pawang negatibo ang napaulat tungkol kay Justin sa buong panahon ng kanyang tour sa South America.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Justin Bieber, 2 beses nag-walkout sa stage sa South American tour


No comments:

Post a Comment