LONDON (AP)– Walang dudang si Novak Djokovic ang ‘man to beat’ sa indoor hard courts.
Sinelyuhan ni Djokovic ang kanyang season sa pamamagitan ng matagumpay na pagdidepensa sa kanyang titulo sa ATP World Tour Finals kontra kay Rafael Nadal, 6-3, 6-4, kahapon.
At para sa rekord, ang kanyang 22 sunud-sunod na panalo para tapusin ang 2013 ay pumantay sa naitala ng top-ranked na si Nadal para sa taon.
Nag-umpisa ang winning run ni Djokovic matapos matalo kay Nadal sa final ng U.S. Open, at ito ay sa panahong pinalitan siya ng Spaniard sa ituktok ng rankings.
‘’The most positive thing that I can take from those 2 1/2 months is the fact that I managed to regroup after a few big losses against Nadal, especially in Roland Garros, U.S. Open final and Wimbledon final,’’ pahayag ni Djokovic, naging ikapitong player na napanalunan ang prestihiyosong season-ending tournament ng tatlong beses.
Ang kanyang pagwawagi sa London ang nagsara ng pinto upang makuha ni Nadal ang nagiisang tropeong wala pa sa kanyang koleksiyon.
Natalo si Nadal sa deciding match sa ikalawang pagkakataon sa isang tour finals at nabigong mapasama kay Andre Agassi bilang natatanging mga manlalaro na napanalunan lahat ng apat na Grand Slam, Olympic gold, Davis Cup at ang year-end tournament.
‘’It’s not going to change my career, winning or losing today,’’ ani Nadal. ‘’I am not very disappointed. I know that I was not the favorite for the match, even if I tried with the right attitude, in my opinion, fighting for every moment, trying to be positive in every moment, even if the match was not going the way that I would like.’’
Ang kanyang pagkatalo ay isang malakas na babala kay Nadal, na naungusan si Djokovic para sa No. 1 ranking noong nagdaang buwan, na ang kanyang karibal na Serbian ay hindi magpapahuli at pinaghahandaan ang Australian Open sa susunod na taon kung saan siya ang three-time defending champion.
Sampung beses nang natalo ni Djokovic si Nadal sa 19 ulit nilang paghaharap sa isang final, at hindi pa ito natatalo mula nang mabigo sa U.S. Open noong Setyembre.
‘’After the US Open final, of course, I needed to take things slowly and see and analyze what I did wrong, especially in the matches against him, to understand what I need to do in order to win against him,’’ sinabi ni Djokovic. ‘’I think the results are showing that we had a great improvement in the last 2 1/2 months.’’
Ang pagbabalik ni Nadal sa No. 1 ranking ay nangyari sa likod ng isang nakamamanghang comeback mula sa isang career-threatening knee injury. Mula nang magbalik noong Pebrero, nagawang manalo ng Spaniard sa 75 laban– natalo lamang ng pitong beses– upang makasungkit ng 10 titulo, kabilang ang French open, U.S. Open, at limang Masters 1000 events.
Ngunit muling pinatunayan ni Djokovic na siya pa rin ang lamang pagdating sa hard court nang palawigin ang kanyang head-to-head record sa 13-7 kontra Nadal.
‘’Year-end No. 1 is deservedly in Nadal’s hands because he had two Grand Slam wins, the best season out of all players, the most titles,’’ giit ni Djokovic.
‘’I think that’s no doubt, cannot question that. I tried to put aside the calculations and the rankings after U.S. Open and just tried to focus on one tournament at a time, one day at a time. That kind of attitude has helped me to get to where I am at this moment.’’
Sunod na magpopokus si Djokovic sa Davis Cup final ngayong linggo sa Belgrade kung saan pangungunahan niya ang Serbia laban sa nagtatanggol na kampeong Czech Republic.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment