Friday, November 15, 2013

Johan Santos, nakaligtas sa pamamaril ng carnapper

Ni Mell Navarro


Johan Santos NAGULAT ang buong showbiz kahapon sa bali tang pagbaril sa former Pinoy Big Brother housemate na si Johan Santos sa tangkang pagcarnap sa kanyang black Montero kahapong 2:00 AM, sa tapat ng condo niya sa Panay Ave., Quezon City.


Kapa-park pa lang ni Johan ng kanyang sasakyan nang bumaba siya upang i-check kung tama ang pagkakagarahe niya nang lapitan siya ng dalawang lalaking nakabonnet. Naging mabilis ang utak at kilos ni Johan sa desisyong muling

sumakay at patakbuhinang sasakyan niya.



Noon siya pinaputukan ng isang karnaper. Mabuti na lang napayuko siya, dahil kung hindi’y baka tinamaan siya. Sa salamin ng Montero tumama ang bala.


Base sa Facebook post ni Johan, umaandar pa ang makina ng kanyang sasakyan nang bumaba siya, at agad napansin ang nakahintong itim na kotse na may dalawang lalaking naka-bonet na bumaba at “may hawak”. Dali-daling bumalik si Johan sa kotse, inabutan siya ng carnapper na nagdeklara ng “carnap” (nakabukas ang driver’s window). Pinaharurot ni Johan ang kanyang kotse kasabay naman ng narinig niyang pagpapaputok sa kanya. Huminto na siya sa isang gas station at doon humingi ng saklolo sa barangay at police.


Narito ang status shoutout mismo ni Johan sa kanyang personal Facebook account na Primejohan Santos: “Nagpapark

ako knina 2am sa TAPAT na mismo ng bahay. Paatras akong nagpark, nakabukas ung window ko sa driver side. Bumaba ako para icheck kung tama park ko (bukas pa makina). Napansin ko sa di-kalayuan, may kotseng itim (parang Mitsubishl Lancer, walang plate 0 ‘di ko na napansin) na nakahinto at may dalawang lalake, bumaba at nagsuot ng bonnet at may hawak (pansin ko baril ‘yun).


“Instinct ko na lang na mukhang may masama gagawin. Bigla ako agad balik sa kotse, sabay shift gear. Inabutan niya ako at tinutukan ng baril, at ang sabi, ‘WAG KANG TATAKBO!’ (Nasaloob ako at nasa labas sya, bukas window ko).


“Dali-dali akong nag-accelerate, sabay yuko at biglang, ‘BANG’, pinutukan ako!


“Thank GOD, ‘di ako tinamaan. Pinakiramdaman ko katawan ko kung may tama ako. At sumilip ako sa rear mirror kung sumunod. Naghanap na ko ng pwedeng saklolohan. Huminto ako sa Shell gas station. Dun na ko nagpatawag ng barangay at police.


“Kaya kayo, ingat na kayo sa panahon ngayun. Sobrang delikado na at magpa-Pasko , kaya naghahanap mga kriminal na ‘yan ng mga mabibiktima nila. MAG-INGAT KAYO!”


As of press time, ayon sa manager ni Johan na si Leo Bukas (co-manager with ABS-CBN Star Magic), safe na ngayon ang young actor at nagpablotter na rin.


Nakakontak din namin sa pamamagitan ng text si Johan kahapon. Nalaman namin sa kanya na may gate pala ang nasabing condo, pero kailangang sa labas siya mag-park dahll: “Merong gate, pero sa labas ako nag-park kanina. Naabangan yata ako o na-timing-an talaga na dumaan sila. Mabilis ang mga pangyayari, Tito Mell. Kapag late na ako dumarating, sa labas na

talaga ako nagpa-park dahll pahaba ‘yung parking space sa loob. Umaga umaalis ang karamihan doon kaya maiistorbo lang ako sa pagtulog, dahil kailangang ilabas ‘yung kotse.


”’Buti lang talaga, ‘di ako tinamaan. Yumuko lang ako. Kung ‘di, sapul ako talaga, .45 calibre, Tito Mell. Malapitan ako binaril. ‘Pag tinamaan ako noon, mahihirapan ako.”


Gaanong tensiyon ang naramdaman niya?


“Walang nerbiyos pa noon, eh. Ang nasa isip ko lang, kailangan ko kaagad umalis dahll baka kunin ang kotse. Pagtutok niya sa akin ng baril, nagpatakbo na ako! Pero pinutukan niya talaga ako, nakayuko lang ako para’di ako tamaan. ‘Buti talaga’ di tumama, kung hindi ako yumuko, sapul ako. Capitol (Medical Center) ako siguro o wala na ako ngayon,” mahabang text reply ni Johan.


Pakiramdam naman ng isang malapit na kaibigan ng manager-talent ay ginabayan si Johan ni San Pedro Calungsod upang iligtas sa kapahamakan. Kakatapos lang ni Johan mag-shooting ng Pedro Calungsod, Batang Martir bilang isang katekistang kaibigan ni Pedro, played by Rocco Nacino.


“Magsisimba ako mamaya sa Baclaran para magpasalamat sa Diyos,” pagtatapos niya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Johan Santos, nakaligtas sa pamamaril ng carnapper


No comments:

Post a Comment