Saturday, November 23, 2013

HULOG NG LANGIT

“You have to take life as it happens, but you should try to make it happen the way you want to take it.” – Anonymous


Narito ang isang istorya ng isang binata na naubusan ng tubig sa katawan dahil sa tindi ng lagnat kasama ang diarrhea. Nasindak ang kanyang inang biyuda at limang mga kapatid na dalaga. Si Dennis ay bunso. Namatay ang kanyang nobyang si Mirriam sa isang aksidente sa hi-way.



Isang private nurse ang kinuha ng ina ni Dennis. Bagong tapos board at nanumpa na si Hannah. Marunong siyang magpatawa. Marunong siyang mag-alaga ng mga taong may trauma.


“Hi, Dennis… ako ang mag-aalaga sayo. Alam mo ba na pinsang buo ko si Mirriam? Tingnan mo ang lahi naming na pawang matatangkad at magaganda, hindi ba?”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumawa si Dennis. Hindi niya namamalayan na pinakakain na siya ng soft diet ni Hannah. Kuwento nang kuwento si Hannah. Pagkaraan ng tatlong araw ay iniuwi na si Dennis. Hindi na nakauniporme si Hannah pagkat dinadala na niya si Dennis sa maraming pook sa Metro Manila.


Nakakaya na rin ni Dennis na magmaneho. Ang bulong ni Hannah ay lakasan niya ang kanynag loob.


Nabuhos ang kalooban ni Hannah sa kanyang pasyente kayat tinalikuran siya ng kanyang boyfriend na limang taon.


Iniluha ito ni Hannah at nalaman ni Dennis natawa nang tawa. Noon nalaman ni Hannah na amy sense of humor ang binatang kanyang inaalagaan. Nagkabaligtad ang mga pangyayari. Si Dennis na ngayon ang umaaliw kay Hannah.


Dahil sa kanya ay nawalan ng boyfriend si Hannah. Isang araw ay ito ang tanong ni Dennis kay Hannah. “Maaari kayang ako ang pumalit kay Bert sa iyong puso?”


Ngumiti si Hannah at ang akala niya ay nagbibiro si Dennis. Kinuha nito ang kamay ng dalaga at kanyang hinalikan. Ito ang kanyang pagtatapat: “Hannah, mahal ko, punuin natin ng tuwa ang ating buhay. Ikaw ay hulog ng Diyos sa akin”.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HULOG NG LANGIT


No comments:

Post a Comment