Wednesday, November 27, 2013

Holdaper kinuyog ng taumbayan, patay

Isang hinihinalang holdaper ang namatay matapos kuyugin ng taumbayan, habang humihimas naman ng rehas na bakal ang kasama nito na naaresto ng pulisya sa Iriga City, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.


Kinilala ni PO3 Marsha Aguiller ang hinihinalang holdaper na si Louie Diaz, habang nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang naarestong kasabwat umano nito na si Maricor Velarde.



Tatlo pang kasamahan ni Velarde ang tinutugis ng pulisya makarang makatakas mula sa galit na galit na taumbayan matapos mangholdap sa Barangay San Francisco, Iriga City.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang hindi na kinilala ang hinoldap ng mga suspek pero nakahingi ng saklolo sa taumbayan ang mga ito.


Hinabol ng mga tao sina Velarde at Diaz hanggang makorner at gulpihin, pero minalas na napuruhan at namatay si Diaz, habang sumuko naman si Velarde.


Naawat lang ang bugbugan nang magresponde ang mga pulis, ngunit wala nang buhay si Diaz at bugbog sarado naman si Velarde.


Sa himpilan ng pulisya, positibong kinilala ng mga biktima sina Diaz at Velarde na nagtangkang mangholdap sa kanila. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Holdaper kinuyog ng taumbayan, patay


No comments:

Post a Comment