Wednesday, November 27, 2013

CCTV’s ikakabit sa pampublikong lugar sa Marikina

UPANG higit na matiyak ang kaligtasan ng publiko, sisiguraduhin ng pamahalaang lungsod na mahuhuli sa lente ng mga close-circuit television camera (CCTV) ang mga sitwasyon at krimen sa lungsod.


Sa pangunguna ng Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) katuwang ang Management Information System and Call Center (MISCC), kamakailan ay sinimulan nang ikabit ang 100 pirasong close-circuit television camera (CCTVs) sa iba’t ibang lokasyon tulad ng entry at exit points ng Marikina, mga crime-prone area na tinukoy ng Philippine National Police-Marikina, mga traffic-prone area na tinukoy ng City Transportation Management and Development Office, at sa Marikina River partikular sa ilalim ng Marikina Bridge sa Brgy. Sto. Niño.


Ang mga footage ng mga kamerang ito ay sasailalim sa monitoring ng MCDRRMO upang maging batayan sa pagresponde ng mga awtoridad ayon sa pangangailangan.


“Malaking tulong dahil maraming gamit ang mga CCTV na ito tulad ng pag-alam sa daloy ng trapiko, pagresponde sa krimen, at pagsubaybay sa pagtaas ng tubig sa ilog ng Marikina sa panahon ng tag-ulan para sa karampatang aksyon at paglikas,” wika ni Mayor Del De Guzman.


Inaasahang matatapos ang pagkakabit at papasinayaan ang mga CCTV sa Disyembre 2013.


The post CCTV’s ikakabit sa pampublikong lugar sa Marikina appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CCTV’s ikakabit sa pampublikong lugar sa Marikina


No comments:

Post a Comment