Wednesday, November 6, 2013

HINDI NAGKIKIBUAN

Hindi raw kinikibo ni Pangulong Noynoy Aquino si ex-Sen. Joker Arroyo noong sila ay nasa Senado pa dahil kinontra ni Joker ang isinusulong na panukala ng Pangulo.



Si Sen. Arroyo ay may 40 taong kaibigan at tagapagtanggol nina ex-Sen. Ninoy at Cory Aquino. Dapat sigurong malaman ni PNoy na si Sen. Joker ay isang “maverick” lawmaker, hindi kumikilala ng kaibigan o kaalyado kapag batas at katotohanan ang tinatalakay. Kung hanggang ngayon ay hindi kinikibo ni PNoy si Joker dahil kritiko niya ang dating senador na noong 2010 ay nagpahayag na ang PNoy administration ay parang isang “student council”, dapat ay hindi siya maging seryoso rito sapagkat si Joker ay naging kasama nina Ninoy at Cory noong panahon ng martial law laban kay Marcos, tulad ng kanyang “pagkupkop” ngayon kina DND Sec. Voltaire Gazmin. DBM Sec.Butch Abad, Sen. Pres. Franklin Drilon, na diumano ay laging idinedepensa ng Pangulo sa kapalpakan!


Si Joker din ang nagsabi kamakailan na alisin lang ni PNoy ang DAP ( Disbursement Acceleration Program), tiyak na mapaparam na lahat ang kontrobersiya na idinulot nito sa administrasyon. Humarap pa si PNoy sa TV upang ipagtanggol ang DAP, pero sa halip na makumbinsi ang taumbayan, lalo lang nag-umulol ang galit dito ni Juan dela Cruz at Pedro Pasang-Hirap kahit inihayag ni Press Sec. Sonny Coloma na 75% daw ng publiko ang tanggap sa paliwanag ng bachelor President.


May mga insider sa Malakanyang na talagang “matigas ang ulo” ni PNoy, very stubborn daw wika nila. Basta ang maipilit daw ay ipagpipilitan tulad ng isyu sa DAP. Well, baka ang “stubborness” na ito ang magpabagsak sa kanya.


Sinimulan na ng gobyerno ng Saudi Arabia ang crackdown sa mga illegal immigrant. Tinatayang may 12,000 undocumented Filipinos doon. Kawawang mga Pinoy na nagtungo roon para maghanapbuhay dahil walang makitang trabaho sa Pinas. Maging sa US ay ganito ang nangyayari. Kaya lang, mas mabait ang Obama admin sa mga TNT (Tago nang Tago) nating kababayan. Ang inuuna nila ay mga illegal immigrant na may kaso, notorious, sangkot sa drugs, na malimit ay Hispanics o Latinos.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HINDI NAGKIKIBUAN


No comments:

Post a Comment