Wednesday, November 20, 2013

Hiling ng teachers sa calamity areas: Lipstick, basketball

“Bola at lipstick.”


Hindi ito titulo ng bagong pelikula o remake ng isang movie na naging sikat noong dekada 90. Sa halip, ito ay kabilang sa mga “request” ng Department of Education (DepEd) sa mga nais mag-donate bilang tulong sa mga guro at tauhan ng DepEd sa mga lugar sa Visayas na nasalanta ng bagyong “Yolanda.”



Sa gitna ng paghahanap sa iba pang tauhan ng DepEd sa mga nasalantang lugar sa Visayas, nadiskubre ni Education Secretary Armin Luistro ang dalawang bagay na ito na madalas hilingin ng mga guro – cosmetic product para sa kababaihan at basketball para sa mga kalalakihan.


“This is very unusual, ako nanghihingi ng lipsticks and foundation para sa mga teachers at mga bola para sa mga estudyante at kabataan,” sinabi ni Luistro. “Pero sa aking paniniwala at base as aking nakita, mahalaga ito sa pagbabalik ng normalisasyon ng mga nasalanta,” he added.


When Luistro visited affected areas last week, he noticed that teachers—while they were wearing slippers—still managed to put on a lipstick. “Ang sabi ng teacher sa akin, ‘Sir, importante po ito kasi kapag humarap kami sa mga estudyante at makita nila na nakatawa kami at nakaayos, naka-lipstick ay malalaman nila na kami ay handa ng tanggapin sila’,” dagdag niya.


Aabot sa 22,000 teaching at non-teaching personnel ng DepEd ang nakabase sa Region 8 (Eastern Visayas) na malubhang naapektuhan ng bagyong “Yolanda.”


Ilang lugar sa rehiyon ang hindi pa rin naibabalik ang klase para sa mga estudyante dahil sa pinsalang idinulot ng bagyo hindi lamang sa mga paaralan ngunit sa mga komunidad. “We are pushing for resumption of classes as soon as its safe because retune to normal routine is therapeutic for both teachers and students,” ani Luistro.


Ayon pa sa Kalihim, magsasagawa ng stress debriefing ang DepEd sa mga guro sa muling pagbubukas ng klase upang matulungan silang makabangon sa pinsala at perwisyong idinulot ni “Yolanda.” – Ina Hernando-Malipot


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hiling ng teachers sa calamity areas: Lipstick, basketball


No comments:

Post a Comment