Wednesday, November 20, 2013

Rapist ng 2 menor-de-edad timbog sa Quezon

ARESTADO ng awtoriad ang 56-anyos na lalaki na nang-rape sa isang dalagita at isang menor de edad pa sa Quezon.


Labis-labis na paghihinagpis na lamang ngayon ang nararamdaman ng isang dalagita matapos halayin ng suspek sa San Narciso, Quezon.


Nabatid na mula sa Quezon Police Provincial Office, pasado alas-6:00 ng umaga nitong Nobyembre 19 nang maiparating sa kanilang himpilan ang kaso nang panghahalay ng 56-anyos na lalaki sa isang 16-anyos na dalagita.


Bunsod nito, agad na tinungo ng pulisya ang bahay ng suspek at inaresto ito.


Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang biktima ay anak ng kinakasama ng suspek.


Samantala, sa bayan naman ng Polilio sa parehong bayan at petsa ay dumulog naman ang isang ama matapos molestyahin naman ang kanyang anak.


Sa pahayag ng ama ng anim na taong gulang na biktima, minolestya ito ng isang Honesto Camposagrado.


Agad namang inihanda ng pulisya ang kasong isasampa sa salarin.


Tumanggi naman ang pulisya na magbigay pa ng ibang detalye hinggil sa pangyayari habang nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat.


The post Rapist ng 2 menor-de-edad timbog sa Quezon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rapist ng 2 menor-de-edad timbog sa Quezon


No comments:

Post a Comment