Tuesday, November 12, 2013

GUMISING SA BAGONG REALIDAD

Hindi pa natatapos ang kahilahilakbot na kalamidad na umabot sa malaking bahagi ng Kabisayaan, lalo na sa mga lalawigan ng Leyte, Samar at Cebu noong Nobyembre 8.


Dahil sa kawalan ng komunikasyon sa maraming dako sa mga lalawigan, ni hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung ilan ang namatay sa bagyong Yolanda, na sinasabing pinakamalakas na natala sa kasaysayan ng daigdig.



Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nag-ulat ng 255 namatay, ang Philippine National Red Cross ay 1,200 at ang mga lokal na opisyal ay nagsabing aabot sa 10,000 ang namatay, at ang pinakamarami ay sa Lungsod ng Tacloban.


Napakalaki rin ng pinsalang dulot ng bagyo, batay sa mga nakikita natin sa mga larawan sa pahayagan at sa mga programa sa telebisyon.


Ang unang pagtaya ng NDRRMC ay mahigit na P6.45 bilyon ang pinsala sa mga ari-arian.


Ayon naman sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), mahigit na 1.7 milyong bata ang maaapektuhan ng bagyong Yolanda.


Nakapanlulumo nga ang inabot ng mga biktima ng bagyo nguni’t nakababahala naman ang malawakang panloloob ng mga karaniwang mamamayan sa mga tindahan sa paghanap ng makakain at maiinom.


Ayon sa ilang saksi, maaaring lumubha pa ang sitwasyon kung hindi mabibigyan ng tulong ang mga biktima ng kalamidad.


Natitiyak ko na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang malunasan ang paghihirap ng marami nating kababayan. Sa aking pananaw, mahalaga rin na marating ng tulong ang lahat ng lugar na inabot ng kalamidad.


Dito makatutulong ang ibang mga bansa, lalo na ang Estados Unidos, na may mga makabagong kagamitan gaya ng helicopter, na makapagdadala ng pagkain, inumin at gamot sa mga lugar na hindi marating ng mga sasakyang panlupa.


Sa aking pananaw, hindi karaniwang panggising ang bagyong Yolanda, kundi isang humihiyaw na babala upang magising tayo sa bagong katotohanan. Ang panahon ng tag-ulan ay hindi na panahon ng mahangin at maulang bagyo, na limitado ang dulot na pinsala. Ang bagyong Yolanda ay hindi isang bihirang pangyayari: asahan na natin na mauulit pa ito sa darating na panahon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



GUMISING SA BAGONG REALIDAD


No comments:

Post a Comment