Tuesday, November 12, 2013

Pinoy cyclists, malaki ang naging exposure

Hindi man pinalad, malaking tulong na rin ang ginawang pagsabak ng Seven Eleven by Roadbike Philippines sa katatapos na Tour of Lake Taihu sa China na nilahukan ng malaking bilang ng world class riders.


Gayunman, naniniwala ang pamunuan ng team na malaki ang naitulong sa kanilang mga rider ang kanilang naging karanasan sa sampung araw na karera kung saan ay lumahok ang karamihan sa mga pinakamahuhusay na continental teams sa buong daigdig.



Tumapos na nasa ika-54 at ika-64 ang mga baguhan sa team na sina Marcelo Felipe at Nelson Martin, ayon sa pagkakasunod, habang nasa ika-64 at ika-67 ang dating tour champions na sina Baler Ravina at Mark John Lexer Galedo sa nasabing 2.1 UCI race na nilahukan ng may 120 mga siklista.


Sa kabila nito, nakuntento naman ang team manager ng koponan na si Engineer Bong Sual at ang team director na si Ric Rodriguez na kapwa mga miyembro ng PhilCycling board of directors sa ipinamalas ng kanilang mga rider sa 9-stages race. Hindi na umano nakakahiya ang performance ng mga Pinoy riders sa kabila ng malaking diperensiya ng mga ito sa mga tinaguriang world class professional riders sa nasabing karera na nagkaroon ng 50 kilometer per hour fast speed sa kabuuan.


Lalo na sa pagtatapos ng mga ito sa final stage kung saan umabot ng halos 60 kilometer kada oras ang bilis ng takbo ng peloto kung saan nakapagtala ang mga ito ng parehas na oras ng mga nagwaging siklista.


Katunayan, nakasama pa si Marcelo sa breakaway group na kinabilangan ng overall champion na si Yuri Methlushenko ng Ukraine.


Samantala, naniniwala naman si Sual na malaking tulong ang naging exposure nina Galedo at ng isa pang miyembro ng team na si Ryan Cuyubit sa naturang karera sa gagawing pagsabak ng dalawa sa darating na Southeast Asian Games sa Myanmar sa susunod na buwan.


Hindi nakatapos ng karera si Cuyubit dahil sa nadamay ito sa nangyaring semplangan sa 7th stage ng karera. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pinoy cyclists, malaki ang naging exposure


No comments:

Post a Comment