Sunday, November 10, 2013

Guiuan totally wiped out kay Yolanda

SA unang pagkakataon ay narating din ng ilang mamamahayag ang Guiuan, Eastern Samar kung saan kanilang inilarawan ang lugar na totally wiped out dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda.


Matatandaan na ang Guiuan ang unang sinalanta ng bagyo matapos nag-landfall dito noong Biyernes ng madaling-araw.


Sinasabing umabot sa 20 talampakan ang tubig-baha sa lugar kaya naman nang humupa ang bagyo ay kitang-kita ang mga nakahambalang na mga bangkay mula sa mga gumuhong gusali.


Sa ngayon ay hindi pa rin napapasok ang nasabing lalawigan.


Una nang inilabas sa ulat ng PNP na aabot sa 10,000 ang patay sa nasabing lugar.


The post Guiuan totally wiped out kay Yolanda appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Guiuan totally wiped out kay Yolanda


No comments:

Post a Comment