Sunday, November 10, 2013

Yolanda, nag-landfall na sa Vietnam, 6 patay

BAGO pa man nag-landfall sa Hanoi, Vietnam kanina ang bagyong Yolanda o Haiyan ay anim na ang iniwan nitong patay dahil sa pagbaha makaraan ding mag-iwan ng matinding pinsala nang manalasa sa Pilipinas nitong nakaraang linggo.


Kaninang alas-4 ng madaling-araw nang tumama sa lupa ang sentro ng bagyo taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.


Sinasabing nasa 20 hanggang 30 sentimetro ng ulan ang idudulot ni “Haiyan” sa northern Vietnam malapit sa border ng China.


Una nang inilikas kahapon ng Vietnam government ang nasa isang milyong residente na nasa tabing dagat at mga lugar na dadaanan ng nasabing bagyo.


The post Yolanda, nag-landfall na sa Vietnam, 6 patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Yolanda, nag-landfall na sa Vietnam, 6 patay


No comments:

Post a Comment