Friday, November 22, 2013

Ginawa lahat alang-alang sa pag-ibig!

NAGULAT kami sa text na natanggap namin nu’ng Thursday night na ikakasal kinabukasan (Friday) sina Freddie Aguilar at ang kontrobersyal niyang girlfriend na si Jovie Albao na 16 years-old. Nakalagay pa sa text si Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang magso-solemnize.


Nag-text kami kay Ka Freddie pero hindi sumagot.


Pero sa Philippine Entertainment Portal ay nabasa namin na kinumpirma ni Gov. Toto ang kasalan.

Pumayag diumano siya na gawin ang seremonya sa bisa ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines. Kasunod nito ay nagpa-convert na si Ka Freddie ng religion na Islam.

Nakasaad sa batas na ito: “Any Muslim male at least fifteen years of age and any Muslim female of the age of puberty or upwards and not suffering from any impediment under the provisions of this Code may contract marriage. A female is presumed to have attained puberty upon reaching the age of fifteen.”

‘Yun na!


-0o0-


HINDI isyu kay Aga Muhlach kung hindi sa kanya unang inalok ang Let’s Ask Pilipinas ng TV5. Ang importante ay masaya siya sa show. Actually, sinadya talaga kay Aga ang naturang game show dahil bagay sa kanya ang show. Nu’ng mag-set visit kami sa taping nito, naobserbahan namin na swak kay Aga ang format nito.

Aliw kami sa kanya at naalala namin ang ‘Bagets’ days habang sumasayaw siya.

Feeling nga namin okey na rin na napunta ito kay Aga dahil kung kay Ryan ‘yun ay parang seryoso ang dating.

Ang gaan-gaan kasi ng dating kay Aga ng show. Nandu’n din ‘yung ‘landian,’ ligawan’ kuno lalo na ‘pag magaganda ang contestant. Tapos tutugtugan siya ng may temang ‘takot sa asawa’ pag nag-behave na siya at binabanggit ang misis niyang si Charlene Gonzales.

Sa true, walang antok factor ang show at bitin ang 30 minutes. Sana dagdagan ito ng oras.

Tsuk!


-0o0-


ISANG makislap na gabi ang ihahandog ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa 27th Star Awards for Television na magaganap na ngayong ika-24 ng Nobyembre, 2013, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City, ganap na ika-6 ng gabi.


Magsisilbing hosts ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex, kasama ang Gutierrez twins na sina Raymond at Richard. Sa opening number ay magpapabongga sina Toni at Alex Gonzaga, samantalang isang masayang dance number naman ang inihanda nina Kim Chui at magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz.

Mag-aalay ng inspirational songs about hope, bilang tribute sa mga newsman na itinuturing na unsung heroes sa mga nakaraang kalamidad, sina Erik Santos, Radha at Mitoy.

Sa Finale, makakasama ni Dawn Zulueta ang Kammerchor Manila Choir at si Tricia Howard.


Ngayong taong ito, ipagkakaloob ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award kay Kitchie Benedicto at ang Excellence in Broadcasting ay kay Rey Langit.

Ang 27th PMPC Star Awards for Television ay mula sa Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Al Quinn.

Mapapanood ang kabuuan ng pagtatanghal sa ABS-CBN Sunday’s Best sa December 1, 2013.


-0o0-


GANDANG-GANDA si Mikael Daez sa costume niya sa primetime serye na Adarna ng GMA 7.

“Nung nakita ko ‘yung costume ko sobra akong na-excite at ang ganda onscreen ‘pag may ilaw, sa picture,” pahayag niya.


Kumusta namang katrabaho si Kylie?

“Lagi kong sinasabi, I know she’s a fighter and she’s a sister in BVM (Betchay Vidanes Management), and she’s very deteremined, she wants to prove something, alam na alam ko ‘yun.”

“Sabi ko dati kay Andrea (Torres) iyon ang pinakagusto ko, she works hard, she’s so passionate and determined to do well. Nakikita ko ‘yun kay Kylie and sa tingin ko when everybody wants to do well, when a team wants to do well lalabas ‘yun sa produkto,” bulalas pa niya.


Usap-usapan din na nagkita sila sa London ng kanyang rumored-girlfriend na si Megan Young, Miss World 2013 nang mag-shoot siya para sa Midnight Snack ng Saksi. Saglit lang daw silang nagkita.

“Tinanong ko lang siya saan puwedeng kumain, wala siyang alam. Ha!ha!ha! Hotel food lang alam niya,” tugon niya.

Mukhang mag-isa rin siya sa shoot niya sa London.

“Well technically hindi naman ako mag-isa kasi may grupo naman. ‘Yung mga ibang media, mga business beat writers, lifestyle writers,” sey niya.


Hindi agad maipapalabas ang mga episode ng Midnight Snack na kinunan ni Mikael sa London.

“Iyon lang dahil sa Yolanda medyo nag-emergency meeting kami, na nagdesisyon kami na hindi muna namin ipalalabas para maging sensitive sa mga nangyari sa kasalukuyan,” sambit pa ni Mikael.


Tama nga naman na ‘wag munang ipalabas ’yun habang maraming nagugutom na biktima ng bagyong Yolanda, huh!”


Ngayong Biyernes sa ‘Adarna.’ malalaman ni Ada (Kylie) na mag-a-apply sa kumpanya ni MIGO SALVA (Geoff Eigenmann) si Janelle (Chynna Ortaleza). Kahit papaano’y hinahangaan ni Ada ang sikat na athlete. Ngunit babarahin agad siya ni Janelle. Tatahimik lang si Ada.


***


“MASAYA kami ni Pokwang kasi magkaibigan kami noon pa,” pahayag ni Jestoni Alarcon na gumanap siyang asawa sa pelikulang Call Center Girl na showing sa Nov. 27.

Aminado si Pokwang na noon pa ay crush niya si Jestoni (That’s Entertainment days pa) at hanggang ngayon ay naglalaway pa rin siya sa guwapong aktor at Board Member sa first District ng Rizal. “Ah, talaga. Ganun? Ha!ha!ha! Baka nagpapatawa lang si Pokwang,” aniya pa.


May kuwento pa nga si Pokie na bumabagyo pero inabot na sila ng shooting nang umaga. Lahat ng artista ay nakauwi na maliban sa kanila ni Jestoni. Lumamig na lang ang ulo niya dahil si Jes ang ka-love scene niya na na inabot ng alas-otso ng umaga.

“Mabait si Pokwang and I’ll hope na maging successful ‘yung movie kasi kailangan naman natin ng comedy film sa rami ng mga nangyaring hindi maganda, ‘di ba? Para ma-relax naman tayo.


“Parang itong another fantaserye ng GMA 7, Adarna, pang bata, pang matanda, all ages. Ako galing sa Muling Buksan Ang Puso, drama, ngayon naman ay fantaserye naman.

“Ako ‘yung gaganap na tatay-tayan ni Kylie (Padilla) na bata. Kasi nu’ng iniwan siya ni Jean (Garcia) ay bata pa lang siya, ako na ‘yung nag-aruga. Tapos asawa ko naman si Maureen Larrazabal kasama si Chynna (Ortaleza) sila naman ‘yung nang-aapi, ‘yung dalawa,” sey ni Jestoni.


The post Ginawa lahat alang-alang sa pag-ibig! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ginawa lahat alang-alang sa pag-ibig!


No comments:

Post a Comment