Friday, November 22, 2013

HANGGANG KAILAN?

Magkahalong pamimighati at pagsiklab ng damdamin ang tiyak na nakakalambong hanggang ngayon sa mga naulila ng Maguindanao massacre – lalo na ngayong ginugunita ang karumaldumal na pagpaslang sa 58 katao, kabilang na ang 32 kapatid natin sa media.



Sa pagbuklat sa nasabing nakakikilabot na kabanata sa kasaysayan ng media sa ating bansa – at maging sa daigdig – hindi natin sasalangin ang misyon ng ating hudikatura sa pagtimbang ng mga asunto. Manapa, sapat nang iparating natin sa mga kinauukulan ang pagkauhaw sa katarungan ng mga biktima ng masaker na hanggang ngayon ay tiyak na nagbibiling-baligtad pa sa kanikanilang mga libingan. Kabilang dito ang ating kasamahan sa Manila Bulletin – si Bong Reblando.


Bilang isang masugid na tagapangalaga sa kapakanan ng ating mga kapatid sa media, patuloy ang kanilang pagdulog sa atin upang ihinga ang paglabag ng mga awtoridad sa karapatan sa pamamahayag. Maliwanag na kaliwa’t kanan pa rin ang

pagtalampak at pagmamaliit sa kapangyarihan ng media sa paglalantad ng katotohanan; sa pagsupil ng karapatan sa pangangalap ng makabuluhang impormasyon na dapat mabatid ng mga mamamayan.


Mahaba na ang talaan ng ating mga kasama sa media na walang pakundangang pinaslang samantalang sila ay tumutupad ng kanilang misyon. Bukod pa rito ang mga sinaktan, ginipit at pinagtangkaan paslangin ang kani-kanilang pamilya. Isang mediaman sa Masbate, halimbawa, ang mistulang sinubuan ng peryodiko ng isang opisyal ng pulis dahil sa pagbubunyag ng mga alingasngas na kinasangkutan nito. Bukod pa rito ang mga pinatay na mediamen na hanggang ngayon ay hindi pa nadadakip o ayaw dakipin ang mga salarin.


Ganito ang situwasyon ngayon sa hanay ng mga inulila ng Maguindanao massacre. Hanggang kailan sila magdurusa?


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HANGGANG KAILAN?


No comments:

Post a Comment