Monday, November 18, 2013

Fil-American tumalon sa footbridge kritikal

AGAW-BUHAY sa ospital ang 26-anyos na Fil-American nang tumalon sa ibabaw ng isang footbridge sa harapan ng Salem Complex sa Pasay City.


Kinilala ang biktimang si Michael Castro Godoy ng 19820 Dina PL Chatsworth California na kasalukuyang inoobserbahan pa sa Pasay City General Hospital sanhi ng matinding pinsala sa ulo.


Batay sa pahayag ng testigong si Nove Gavin, 26, security guard ng NAIA Terminal 4, nasa checkpoint area siya ng naturang paliparan alas-6:20 ng umaga nang makita ang biktima na mistulang tatalon sa footbridge na nasa Domestic Road.


Kaagad niyang ipinabatid sa kanyang kapwa security guard na si Mark Billy Badoy ang nasaksihan kaya’t mabilis nilang itinawag ito sa pulisya.


Gayunman, nang makita ng biktima ang mga pulis at security guard na patungo na sa kinatatayuan ng footbridge, bigla itong tumalon at lumagpak sa kalsada na una ang ulo.


Mabilis namang hinarang ng mga pulis ang nagdaratingang sasakyan upang maiwasan na masagasaan pa ang nakahandusay na biktima hanggang dumating ang MIAA Medical Team na nagsugod sa lalaki sa pagamutan.


Hindi naman mabatid ng pulisya ang motibo sa tangkang pagpapakamatay at bukod sa wallet na may lamang P4, 060, tanging ID card, pasaporte at isang susi lamang ang nakita sa biktima.


Ipinabatid na ng pulisya sa Emhabada ng Estados Unidos ang pangyayari at inaalam na rin kung ano ang motibo sa tangkang pagpapakamatay.


The post Fil-American tumalon sa footbridge kritikal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Fil-American tumalon sa footbridge kritikal


No comments:

Post a Comment