Monday, November 18, 2013

Basurero inutas ng nagselos na pintor

KASONG murder ang nakatakdang isampa ng pulisya laban sa isang pintor na pa-traydor na sumaksak at nakapatay sa isang basurero sanhi ng matinding selos kagabi sa Pasay City.


Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jherry Corpuz, 38, ng 053 Electrical Road sanhi ng malalim na tama ng saksak sa likod habang nadakip naman ng mga barangay tanod ang suspek na si Ronnie Planas, 41, ng 591 Sitio San Dionisio, Olivarez Compound Parañaque City.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, nasa pedicab at naghihintay ng pasahero si Corpus sa kanto ng Electrical Road at Andrew Avenue alas-9:30 ng gabi nang sumulpot mula sa kanyang likuran ang suspek at patraydor na tinarakan ng patalim sa likod.


Kaagad na tumakas ang suspek subalit nasaksihan ng barangay tanod na si Anthony Conte ang pangyayari kaya humingi siya ng ayuda sa mga kasamahan upang habulin si Planas at tuluyang madakip.


Sa pahayag naman sa pulisya ng kapatid ng biktima na si Rodrigo Corpuz, posibleng selos ang dahilan ng pamamaslang dahil kasalukuyang kalive-in ng kanyang kapatid ang dating asawa ng suspek.


The post Basurero inutas ng nagselos na pintor appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Basurero inutas ng nagselos na pintor


No comments:

Post a Comment