Monday, November 4, 2013

Djokovic, inagaw ang trono mula kay Ferrer sa Paris Masters

PARIS (AP) – Tinalo ni Novak Djokovic ang nagtatanggol na kampeong si David Ferrer, 7-5, 7-5, kahapon upang mapanalunan ang Paris Masters para sa kanyang ika-17 sunod na pagwawagi at ikaanim na titulo para sa season.


May kaunti pang pag-asa na tatapusin ng second-seeded na Serb ang season na mas mataas sa ranking kaysa sa No. 1 na si Rafael Nadal.



Umangat sa 11-5 si Djokovic kontra Ferrer, na nabigong maging unang player na makasungkit ng back-to-back na titulo sa Paris Masters.


”Summer was up and down,” sabi ni Djokovic. ”And now again I’m playing on a very high level and have lots of confidence in myself, in my game. I’m at a good spot at this moment.”


Nakuha ni Djokovic ang huling apat na game sa bawat set, nakakakuha ng rally tuwing naghahabol sa 3-5. Naselyuhan ni Djokovic ang panalo ng tumama ang forehand ng Spaniard sa net. Nakatama si Djokovic ng 34 winners kumpara sa 15 ni Ferrer at naipanalo ang 15 sa 18 net points.


”With Nole, if I don’t take my chance, it’s impossible to beat him,” ani Ferrer. ”In the important moments he’s better than me.”


Maagang pinahirapan ni Ferrer si Djokovic sa kanilang laban sa pamamagitan ng kanyang malalalim na groundstroke at isang backhand drop upang kunin ang 3-2 na abante. Ngunit nag-umpisang maging mas agresibo si Djokovic at nakabalik sa 10th game sa pamamagitan ng isang forehand.


Sa kabila ng maraming backhand errors, napanatili ni Djokovic ang pressure kay Ferrer na muling nabigong magamit ang kanyang mga serve sa set sa 5-4. Ginamit ni Djokovic ang isang mahabang forehand upang ma-break ang Spaniard bago nito tinamaan ang isang ace upang kunin ang 6-5 na bentahe.


Kapwa magbabalik sa aksiyon ang dalawang manlalaro bukas sa ATP World Tour finals sa Londo kung saan makakaharap ni Djokovic ang Swiss na si Roger Federer, habang lalabanan naman ni Ferrer ang kababayang si Nadal, ang kani-kanilang mga nakalaban at natalo sa semifinals sa Paris.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Djokovic, inagaw ang trono mula kay Ferrer sa Paris Masters


No comments:

Post a Comment