Friday, November 22, 2013

Credit privilege ng mambabatas sa gov’t hospitals, itinigil na

Ni Ben Rosario


Itinigil na ang pagbibigay ng mga ospital ng gobyerno ng credit privilege sa mga mambabatas matapos ideklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na pinagkukunan ng pondo para sa medical assistance ng mga nasasakupan ng mga ito.



Libu-libong maralitang pasyente na may cancer, end stage renal disorder, sakit sa puso, tuberculosis at iba pang karamdaman ang hindi na makakukuha ng medical assistance mula sa mga mambabatas.


Hindi na tinatanggap ang credit privilege ng mga kongresista sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), na dating tumatanggap ng guarantee letter ng mga mambabatas para sa dialysis treatment ng ineendorsong pasyente.


At dahil regular silang nagsusulong ng mga medical assistance program, nakaugalian nang bigyan ng credit line ang mga mambabatas sa mga ospital ng gobyerno.


“I have at least 40 poor patients whose dialysis treatments are funded out of my PDAF. I hope government will take care of them,” sabi ni dating Minority Leader at Rep. Danilo Suarez.


Itinuloy ng maybahay ni Suarez, na si Rep. Aleta Suarez, ang medical assistance program na sinimulan ng kanyang asawa subalit sa kawalan ng PDAF ay mapupuwersa siyang gamitin ang kanyang personal na pondo o ipatigil na lang ang programa.


Bukod pa sa NKTI, ang iba pang government hospital na tumatanggap ng guarantee letter ng mga kongresista at senador ay ang Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines at National Children’s Medical Center sa Quezon City.


Bukod kay Suarez, ang iba pang incumbent congressman na nakikinabang sa GL privilege ay sina Speaker Feliciano Belmonte, Camarines Sur Rep. Rolando Andaya (Lakas-CMD), CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna, Eastern Samar Rep. Ben Evardone (LP), Cavite Rep. Elpidio Barzaga (NUP), Samar Rep. Emil Ong (NUP) at dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.


Sa hanay ng mga senador, ang mga gumagamit ng guarantee letter ay sina Teofisto Guingona III, Juan Ponce Enrile, JV Ejercito, Koko Pimentel at Pia Cayetano.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Credit privilege ng mambabatas sa gov’t hospitals, itinigil na


No comments:

Post a Comment