Friday, November 22, 2013

No Middle East without Christians – Pope Francis

Vatican City (AFP)— Sinabi ni Pope Francis noong Huwebes na hindi tatanggapin ng Simbahang Katoliko ang Middle East na walang mga Kristiyano, na kadalasang pinupuwersang lumayas sa magugulong lugar sa rehiyon.


“We will not resign ourselves to imagining a Middle East without Christians,” wika niya matapos makipagpulong sa mga patriarch mula Syria, Iran at Iraq, bago nanawagan para sa “the universal right to lead a dignified life and freely practise one’s own faith to be respected.”



Ang kaguluhang politikal sa Arab world nitong mga nakalipas na tatlong taon ay nagbunga ng pagtaas sa radical Islam, inilagay sa panganib ang minority Christians at minsan ay pinupuwersang lisanin ang kanilang mga bayang sinilangan.


Sinabi ni Francis na nakipag-usap siya sa mga patriarch “[about] those who live in the Middle East, often in small flocks, in environments marked by hostility and conflicts” at “the size of the diaspora, which is notably growing.”


Sinabi niyang nababahala siya sa sitwasyon ng mga Kristiyano, “who suffer in a particularly severe way the consequences of tensions and conflicts in many parts of the Middle East.”


“Syria, Iraq, Egypt and other areas of the Holy Land sometimes overflow with tears,” aniya.


Sa gitna ng mga ulat, pinaparusahan ang mga Kristiyano sa mga aksiyon ng Western powers, ilang faith experts ay nagbabala na ang Kristiyano ay nanganganib na maglaho sa kanilang sariling bayan.


Sinabi ni Francis na “I will not rest while there are still men and women, of any religion, whose dignity is affronted, who are stripped of the basics necessary for survival, whose future is stolen, who are forced to become refugees or displaced people.”


Nanawagan siya sa mga patriarch para sa “tireless zeal and that fraternal and paternal charity which bishops, priests and faithful look to us for, especially if they are alone and marginalised.”


Tinatayang nasa 10 hanggang 13 milyon ang mga Kristiyano sa Middle East.


Kabilang sa mga nakipagpulong kay Francis noong Huwebes sina Lebanon Maronite Christian patriarch, Bishara Rai, ang Syrian patriarch ng Melkite Greek Catholic church na si Gregory Laham, at patriarch ng Iraq-based Chaldean church na si Louis Sako.


Sinabi ni Sako sa Vatican Radio na namimigay ang mga awtoridad ng Iraq ng mga visa bilang bahagi ng “a whole strategy to help Christians leave Iraq”, kahit sa mga lugar sa hilaga ng bansa na hindi naman sila nanganganib.


“The Middle East is going to empty of Christians,” babala niya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



No Middle East without Christians – Pope Francis


No comments:

Post a Comment