Friday, November 1, 2013

CONSPIRACY RAW

square-nelson-flores BINANATAN ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang media dahil sa pagsisiwalat nito ng mga kontrobersya kaugnay sa pamumudmod sa mga miyembro ng Kongreso ng multi-milyong piso mula sa Disbursement Acceleration Fund.


Bagama’t walang binanggit na pangalan ay nagpahaging si B.S. Aquino III sa kanyang pakikipagharap sa mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) na may conspiracy o sabwatan laban sa kanya. Imbes na ang pagdiskitahan ay ‘yung ugat ng kontrobersya, ang sinita ni B.S. Aquino ay ‘yung tagadala ng balita… ‘yung mensahero, ika nga.


Ang totoo niyan, nabulgar lamang ‘yung DAP nang mag-privilege speech si Sen. Jinggoy Estrada. Hindi inimbento ng media ang istorya tungkol sa pamimigay ng pera mula sa DAP sa mga senador na bumoto para masibak sa poder si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kanyang impeachment.


Hindi inimbento ng media ang isyu tungkol sa mga pekeng Non-Government Organization na pinaglagakan ng pera ng bayan ng ilang mambabatas para diumano maibulsa ito.


Lahat ng isyu laban sa kasalukuyang administrasyong Aquino at mga kaalyado nito ay may basehan at hindi gawa-gawa lamang.


Ang hirap sa Pangulo, kapag binabanatan ang dati ninyong titser na si Gloria Macapagal-Arroyo ay o.k. lang pero kapag siya na ang naibalita ay napipikon na. Iyan ba ang Tuwid na Daan na sinasabi ninyo? ‘Wag sana kayong pikon…ayusin n’yo ang problema nang walang masamang maiulat laban sa inyo.


* * *


May nakipag-ugnayan sa inyong lingkod kamakailan na ilang kasama natin sa hanapbuhay. Ayon sa kanila ay inuulan ng request ang isang vice mayor sa Kalakhang Maynila mula sa ilang reporter na kilala sa pakikipagnegosyo sa pamahalaan at talamak sa paggamit ng kapwa reporter.


Ginagamit ang suporta ng ilan sa mga kasamang kapos na kapos sa pananalapi, maya-maya raw ang punta ng mga reporter na ito sa tanggapan ni vice at humihingi ng kung ano-anong pabor, kabilang na ang pag-aapruba ng mga kontrata para sa ‘supplies’ na kanilang diumano ay pagkakakitaan nang husto.


Ganito rin daw ang raket ng grupong ito sa ibang tanggapan ng pamahalaan, lalo na sa Lungsod Quezon.


Sabi ng mga lumapit sa atin ay hindi dapat bumigay ang vice mayor sa ganitong gimik. Walang magagawang mabuti para sa mamamayan ng lungsod kapag pumayag siya sa kagustuhan ng grupong ito. Lalo lang diumanong hindi siya titigilan ng mga ito kapag nahatagan na niya ng biyaya at ilalaglag sa huli

kapag wala nang pakinabang.


Hindi ko muna pangangalanan ang mga isinusumbong sa paniniwalang titigil na ang mga ito sa kanilang lisyang gawain.


Nasa akin ang kopya ng ilan sa mga recording ng kanilang mga meeting na lihim na nai-record. Naniniwala ako sa kakayahan nilang magbago.


* * *


Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa mga isyu ng panahon, ugaliing makinig sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes, alas-nueve (9) hanggang alas-diyes (10) ng gabi.


* * *


Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.


Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.


The post CONSPIRACY RAW appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CONSPIRACY RAW


No comments:

Post a Comment