Sunday, November 24, 2013

Central Luzon Trade Fair 2013, hinangaan ng mga turista


Sinulat at mga larawang kuha

ni LEANDRO ALBOROTE


BUMANDERA sa Metro Manila ang 15th Likha ng Central Luzon Trade Fair 2013 na humatak ng napakaraming mamimili at turista para makita at makapag-uwi ng mga produktong ipinagmamalaki sa pitong lalawigan ng Central Luzon na binubuo ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Zambales, Nueva Ecija at Aurora.


Isa sa naging tampok sa Likha ng Central Luzon ang wood carvings ng Betis, Pampanga na sadyang maganda at pulido ang pagkakagawa kaya pinuri ng mga balikbayan at iba pang bisitang dumating sa taunang aktibidad.



Hindi rin nagpahuli ang bamboo crafts ng Plaridel, Bulacan at ipinakita naman ng Bongabon, Nueva Ecija ang galing nila sa handicraft. Ipinagmalaki rin ng Tarlac ang tinatawag na ‘ wood inspiration’ at Pura Cornhusk Flowers.


Kinalugdan din ng mga turista ang masusustansiyang kabuti o mushrooms ng Pampanga at lalo na ang tocino. Umakit din ng atensiyon ang Walis Tambo at iba pang mga produkto ng Bataan.


Ang iba’t iba pang ipinagmamalaking produkto sa Central Luzon 2013 ay ang iba pang uri ng processed food, furniture and home furnishing ceramics, jewelry, fashion accessories, bags, footwear gifts and Holiday Decors at iba pang novelty products.


Mahigit sa 150 na MSMES ang lumahok sa Likha na ginagabayan ng DTI Region 3 sa ilalim ni Regional Director Judith Angeles at iba pang DTI provincial directors.


Ang Likha ng Central Luzon Trade Fair ay pangunahing regional trade promotion activity na magkatuwang na inorganisa ng DTI- R3 at Philexport- R3 na sinusuportahan ng Regional Development Council- R3 at Central Luzon Growth Corridor Foundation Inc na binubuo ng pitong gobernador ng rehiyon at DTI members.


Bawat lalawigan ay may kanya-kanyang pangalan gaya ng Aurora – Siempre Aurora; Bataan – Galing Bataan; Bulacan – Tatak Bulakenyo; Nueva Ecija – Taas-noo Novo Ecijano; Pampanga – Vida Pampanga; Tarlac – Natural Tarlac at Zambales – Zambales Finest.


Ang Likha ng Central Luzon ay dinaluhan nina Tarlac Vice Governor Enrique ‘Kit’ Cojuangco, Jr; Aurora Congresswoman Bellaflor Angara-Castillo at iba pa. Sinabi nila na malaking bagay ang ipinakitang likha ng Central Luzon na inaasahang makatutulong sa turismo at sa pagsulong ng maliliit na negosyante ng bansa. Ang aktibidad ay matagumpay na idinaos sa Megatrade Hall 2, 5th Floor Building, SM Megamall, Mandaluyong City.


101_0256 101_0258 101_0298

.. Continue: Balita.net.ph (source)



Central Luzon Trade Fair 2013, hinangaan ng mga turista


No comments:

Post a Comment