Sunday, November 24, 2013

National Rice Awareness Month, umani ng suporta

Todo-suporta ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa paggunita sa National Rice Awareness Month ngayong Nobyembre, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524 na nilagdaan noong Enero 5, 2004.


Doble ang kahalagahan ng selebrasyon dahil ang 2013 ay idineklara rin bilang “National Year of Rice” sa bisa ng Presidential Proclamation No. 494 na nilagdaan noong Oktubre 18, 2012.



May temang “Sapat na Bigas, Kaya ng ‘Pinas”, hinikayat ng gobyerno ang mga magsasaka na gumamit ng modernong teknolohiya.


Magsasagawa ng fun run at isang symposium sa rice genetics kaugnay ng selebrasyon.


Hinihikayat din ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na isulong ang pagkain ng brown rice o rice mix, partikular sa selebrasyon ng Brown Rice Day at Rice Mix Day. – Czarina Nicole O. Ong


.. Continue: Balita.net.ph (source)



National Rice Awareness Month, umani ng suporta


No comments:

Post a Comment