Saturday, November 16, 2013

Bebot timbog sa pagnanakaw ng gatas

DAKIP ang isang babae habang nakatakas naman ang anim pa niyang kasama matapos magnakaw ng libu-libong halaga ng gatas na pambata sa Gumaca, Quezon.


Kinilala ang suspek na naaresto na si Elvira Reyes, 34.


Nabatid na pumasok ang biktima kasama ang anim na mga kasabwat sa Gumaca Lumber General Merchandise.


Akala ng may-aring si Sylvia Paulite ay mamimili lamang ang mga ito subalit nang lumabas na ang mga salarin, napansin niya na nawawala na ang napakaraming lata ng gatas.


Bunsod nito, pinahabol ng may-ari sa kanyang mga empleyado ang mga suspek na naging daan upang mahuli si Reyes subalit nakatakas ang mga kasamahan nito.


Nakuha kay Reyes ang isang lata ng Progress Milk na may timbang na 900 grams.


Napag-alamang umaabot sa P40,000 ang halaga ng lata ng gatas na natangay ng mga salarin na kinabibilangan ng Progress Milk, Promil, Nestogen at Bonakid.


Desidido naman si Paulite na sampahan ng kaso ang suspek habang patuloy na pinaghahanap ang anim iba pa.


The post Bebot timbog sa pagnanakaw ng gatas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot timbog sa pagnanakaw ng gatas


No comments:

Post a Comment