Saturday, November 16, 2013

61-anyos, namatay sa hotel

Atake sa puso ang nakikitang dahilan sa pagkamatay ng isang negosyante na natagpuang hubad sa loob ng isang hotel sa Pasig City.


Hinahanap ng awtoridad ang babaeng nakasama ni Ricardo Guillermo Hipolito Graza, 61, ng 29 Sta. Catalina Street, Doña Juana, Barangay Holy Spirit, Quezon City, upang magbigay-linaw sa insidente.



Ayon sa ulat ng pulisya, 3:00 ng hapon noong Biyernes nang matagpuan ang bangkay ni Graza sa Room 406 ng Woodstock Inn sa 828 Marcos Highway, sa Bgy. Santolan, Pasig City.


Sinabi sa pulisya ni Conrado Mesina, roomboy, na nakita niyang dali-daling lumabas ng hotel at sumakay ng pampasaherong jeep ang babaeng kasama ni Graza. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



61-anyos, namatay sa hotel


No comments:

Post a Comment