Thursday, November 21, 2013

Barko pa ng PCG na may relief goods, dumating sa Tacloban

DUMATING na ang isa pang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Tacloban City sakay ang relief goods na ipamamahagi sa mga hinagupit ng super typhoon Yolanda.


Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, lulan ng BRP Nueva Vizcaya ang mga pagkain, tubig, gamot, damit, sleeping at hygiene kits mula sa Department of Social and Welfare Development (DSWD) at mga non-governmental organization (NGO).


Samantala, ang BRP Romblon ay patungo na sa Coron, Palawan para sa ikatlong relief mission.


Patuloy naman ang paghahatid ng mga barko ng Coast Guard sa mga nais lumisan sa Tacloban at inihahatid ang mga ito patungong Cebu.


The post Barko pa ng PCG na may relief goods, dumating sa Tacloban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Barko pa ng PCG na may relief goods, dumating sa Tacloban


No comments:

Post a Comment