Thursday, November 21, 2013

NDRRMC: Death toll kay ‘Yolanda’ 4,015 pa

DALAWANG linggo matapos ang hagupit ng super typhoon Yolanda sa bansa, umakyat pa ngayon sa 4,015 ang bilang ng mga nasawi.


Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat pang labi ng mga nalunod ang nadagdag sa bilang mula sa Occidental Mindoro.


Nakapako pa rin ngayon sa 1,602 ang nawawala.


Aabot na sa P12.6 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura ng bansa.


Pumalo naman sa higit 1 milyong bahay ang naitala ng NDRRMC na napinsala ni Yolanda sa mga lalawigang dinaanan nito.


Habang nasa halos 1 milyon ang siniserbisyuhan sa loob at labas ng mga evacuation center.


Aabot naman sa 987,423 food packs ang naipamigay na sa mga lugar na apektado.


The post NDRRMC: Death toll kay ‘Yolanda’ 4,015 pa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NDRRMC: Death toll kay ‘Yolanda’ 4,015 pa


No comments:

Post a Comment