Wednesday, November 6, 2013

Bagyong ‘Yolanda,’ malakas pa kay ‘Pablo’

Mas malakas pa sa bagyong “Pablo,” na tumama sa Pilipinas noong nakaraang taon na ikinamatay ng mahigit 1,000 katao, ang super typhoon “Yolanda” kapag pumasok na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).


Ito ang inihayag kahapon ni Department of Science and Technology (DoST) Secretary Mario Montejo kung saan inaasahang nakapasok ng PAR ngayong Huwebes.



“We will not be surprised if it will hit 200 kilometers per hour na lakas. ‘Yung bagyong Pablo, 160 to 180 kilometers per hour ang lakas at malaki ang kaibahan ng 160 sa 200, malaki talaga ito (Yolanda), malakas… Kaya nga tayo nababahala kasi this is very possible to be much stonger than Pablo,” sabi nito.


Aniya, patuloy pa ring nag-iipon ng lakas ang bagyo sa labas ng PAR kung saan aabot sa 120 kph hangang 150 kph na ang lakas nito.


Kapag tuluyang pumasok ng bansa, inaasahang magla-landfall ito sa gitna ng Leyte at Samar, tatawid ng Visayas, lalabas ng Mindoro at Palawan.


Sinabi nito na sa pagtama nito sa Leyte-Samar area sa Biyernes, posibleng umabot sa signal number 4 ang babala ng bagyo sa lugar.


Hindi rin aniya dapat maging kampante ang mga residente sa Metro Manila dahil 600 kilometer ang diameter ng bagyo.


Aniya, dapat na asahan ng mga residente sa Metro Manila na ang heavy and intense rains sa Sabado. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bagyong ‘Yolanda,’ malakas pa kay ‘Pablo’


No comments:

Post a Comment